CHAPTER SIXTEEN

17 0 0
                                    

Chapter 16

Malungkot na nilingon ni Hasmin ang mansyon sa huling pagkakataon. Kumaway sa kanya ang kakambal niyang  si Yasmin na kasalukuyang nakatayo sa entrada ng mansyon. Katabi nito ang kanyang ama na nakangiti rin pero tulad ng inaasahan niya ay wala roon ang kanyang ina. Ni hindi man lang ito nagpakita sa hapagkainan bago sila sunduin ni Wahid. Sigurado siyang nagtatampo parin ang ina sa kanya.

Malalim siyang nagbuntong-hininga at kumaway muli sa kanyang Papa at kay Yasmin bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan ni Wahid. She can't help but to feel sad. Alam naman niyang hindi sila masyadong lalayo pero hindi parin niya maiwasang malungkot lalo na kapag ganitong hindi man lang siya kinausap ng kanyang Mama. Hindi parin nito matanggap ang desisyon niyang pagsama kay Wahid at sa pagkakakilala niya sa ina ay patuloy siya nitong hindi kikibuin hangga't hindi siya sumasang-ayon sa sarili nitong kagustuhan.

"Papa, are we now going to our house? Is it far?" tanong ni Hafidh mula sa likod. Naagaw naman agad nito ang atensyon ng ama na kanina pa siya seryosong pinapanood.

"Yes, buddy. It's not that far. Ilang minuto lang at makakarating din tayo roon. Are you excited?" sagot ni Wahid at masaya namang tumugon ang anak niya. Hindi maitago ang tuwa sa mukha ni Hafidh habang binabagtas nila ang daan papunta sa bahay ni Wahid. Mas maingay ito ngayon dahil kung anu-ano ang ikinukuwento at magiliw naman itong pinakikinggan ni Wahid habang nagmamaneho. Maliit na lang ang dala nilang gamit ngayon dahil nauna na ang iba pa nilang gamit sa bahay ni Wahid kahapon. Maayos naman ang panahon ngayon kumpara noong mga nakaraang araw. Hapon na nang sunduin sila ni Wahid sa mansyon dahil iyon ang usapan.

It didn't take long for them to reach Wahid's house. Sa labas pa lang ay makikita na ang kalakihan ng bahay. It has marvelous gates and a long driveway. Itsura pa lamang nito ay halata nang pinaggugulan talaga ng pera at panahon. Muntik ng makalimutan ni Hasmin na isa palang ganap na Engineer ang lalake kaya hindi nakakapagtaka na maganda ang kinalabasan ng ipinatayo nitong bahay. Mag-isa lang ba itong nakatira rito?

"Hafidh, don't run. Baka mahulog ka!" Saway niya sa anak na hindi magkaugaga sa pagpanhik sa mahaba at malawak na hagdan. Agad naman itong sinundan ni Wahid sa taas, leaving her downstairs to appreciate more the sophistication of the house.

Everything is built and arranged perfectly. Whoever is Wahid's interior designer did a good job. The details and even the quality of the furnitures are beautiful. The white marbled tiles complimented the entirety of the house. She walked to the living room and saw a magnificent chandelier hanging in the high ceiling. There's also one high up the stairs. Sunod niyang pinuntahan ang kitchen at dining room. It's well-furnished and already set. Puno rin ang refrigerator ng pagkain at mukhang pinaghandaan talaga ni Wahid ang pagpunta nila rito ng anak. Hindi alam ni Hasmin paano napapanatili ng lalake ang kalinisan dito sa bahay. Baka nagpapa-home service? Or does he have housekeepers?

Matagal bago nakababa ulit si Wahid. Nakapagpalit na ito ng bagong damit at mukhang kagagaling lang sa shower dahil basa pa ang buhok nito. He smiled as he watched her move around the kitchen.

"Si Hafidh?" tanong niya nang hindi nito kasama ang anak.

"He's asleep. He liked his new room. Do you want to see the rooms upstairs?" He asked.

"Sure" sagot niya at nagpasyang lisanin na ang kusina kasama ito.

They climbed upstairs together and checked the vastness of the floor. May apat na kuwarto sa taas at kapwa malalaki iyon. Isa na doon ang kuwarto ng anak niya. Meron ding ikatlong palapag kung saan ang gym at family area.

"Did you like our new home?" tanong ni Wahid sa kanya pagkatapos nila maglibot. Pabalik na sila ngayon para ihatid siya sa sarili nitong kuwarto.

"It's nice. I didn't know you built your own house. How long did it take you?"

Against All Odds (Ranao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon