^^Chapter 64^^

349 16 2
                                    

Aesy's letter for Daddy Bong.

Hi dad, Miss nyo na ba ako? Miss nyo na ba mga luto ko? Hehehe don't worry dad tinuro ko na po lahat kay mom yung mga recipe. Para atleast kahit sa mga pagkain maalala nyo po ako.

By the way dad, natutuwa ako na unti unti ng umuunlad ang pilipinas sa pamamahala ninyo ni Tita Sarah maraming salamat po.

Dad? I'm sure binabasa nyo to kasabay ng pagbabasa ni Mom sa sulat ko. Pasensya na po kayo at kailangan ko pang daanin sa ganito.

Hindi ko po alam kung paano ako magpapasalamat sainyo Mr.President hehehe sorry Dad, I mean hindi po ko alam kung paano magpasalamat  sa lahat ng nagawa ninyo para sa amin ni Sandro.

Saksi kayo sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan namin na hanggang ngayon ay dagok parin para sa amin. I mean para sa inyo sapagkat wala na ako, bumitaw na ako sa laban.

Dad? Alam kong labis kayong nahihirapan sa pagkawala ko. Ramdam ko yung pagmamahal nyo akin bilang tunay na anak,  kaya't tagos sa puso ang pagkawala ko

Salamat sa pag aalaga at pagsuporta dad, Nawa'y tulungan nyo si Sandro na malampasan ang lahat ng ito para sa mga anak namin,

Mahal na mahal ko kayo Dad.
Mahal na mahal ko kayo ni Mom.

Pasensya na kayo at hindi ko na nasabi sa inyo ito hanggang sa huli. Pasensya na kayo hindi ko man lang kayo nayakap hanggang sa huli.

Hiling ko po, na kung sakaling dumating yung araw na bumukas ang puso ni Sandro para sa iba. Nawa'y bukas palad po ninyong tanggapin kagaya ng pagtanggap ninyo sa akin,

Hiling ko po ang kaligayahan ninyong lahat. Opo hindi madali sa ngayon, pero alam ko po unti unti nyo ding matatanggap.

Dad? Ihahabilin ko po sa inyo ang kambal namin, alam ko po na hindi sila ngayon matututukan ni Sandro  sapagkat nagluluksa pa sya sa pagkawala ko.

Pakisamahan po muna si Sandro at ang mga anak namin hanggang sa tuluyan na po nyang matanggap. Huwag po kayo mag alala masaya na po ako kung nasaan man ako ngayon,

Mahal na mahal ko kayo Dad, kayo ni Mom. Mag iingat po kayo palagi. Lagi po ako nasa tabi ninyong dalawa ni Mom at hinding hindi po ako mawawala, sa puso at sa alaala ninyo palagi po ako nandyaan.

Love.
Aesy ❤️

Love at First ❤️Where stories live. Discover now