X

327 11 2
                                    


"The aim of an operational audit is ultimately to optimize efficiency. By auditing the business's internal policies and procedures, the company can identify trouble spots and operate more effectively." Ang seryoso niya habang nagdidiscuss sa harap pero ito ako, busy'ng titigan siya. The more na nagiging seryoso siya, mas nagiging hot talaga siya sa paningin ko eh.

Oh ghad, paano naging sobrang perpekto ang dyosang 'to?

Napatingin ito sa gawi ko kaya binigyan ko ng napakatamis na ngiti. Pero ang siste, inirapan ako. Ang sungit sungit talaga ng babaeng 'to. Pero hehe, alam ko bakit 'yan galit. Buong weekends akong hindi nagparamdam sa kanya hehe. Gusto ko lang siya asarin after ng ganap last week.

Natawa na naman ako ng mahina nang maalala ko 'yong nangyari.







~

"Baby girl, aalis ako ha. Text me kapag umalis ka para alam ko." I nodded. I bid him bye tapos umakyat na rin sa kwarto ko. Okay na kami ni Kuya. I mean, yeah, pero sobrang strict niya ngayon. Lalo na at wala na naman sila Mommy kaya halos school-bahay lang ang trip niya. Pati mga kaibigan ko hindi na rin nagyayayang lumabas, madalas dito lang kami sa bahay or nag-oovernight. Maliban sa isang tao na pinapayagan nilang lumabas ako kasama siya. Kilala naman kasi nila, nagpakilala. Hihi.

Tamad akong nahiga sa kama ko at tumitig sa kisame. Magrereview na lang ako, 'no? Malapit na rin naman ang midterm exam. Ayaw ko naman na ilaan na naman sa overthinking ang free time ko.

I heard my phone beeped kaya inabot ko muna 'to mula sa bedside table.

2 new messages
From: Miss Ma'am 💖

Hi, can we like meet?

I'll fetch you.

This past few days, she's been doing good. I mean, kapag kami lang sa classroom ay nakikipagkulitan na nga sa akin. Pero kapag may nakakakita samin? Ang sungit sungit.

And what I mean in doing good is... uhm, siguro na sa mutual understanding stage na kami. Last level na ata. Charot.

She properly introduced herself sa parents ko pagbalik namin from Ate Marga's celebration.

Miss Ma'am 💖 Calling...

A: Hey, so are you free?

M: I guess?

A: Great. I'll fetch you. What time do you want?

M: No na. Let's meet na lang sa mall? 12nn na lang para doon na tayo maglunch?

A: Alright, see you later.

Pagcheck ko ng oras ay past 10am na pala kaya nagsimula na akong mag-ayos. Unfortunately, wala si Kuya kaya nagpakuha ako ng taxi sa guard house. Bilin kasi nila sa akin na wag na wag akong magddrive. Since mabait ako, sumunod ako.

"Looking good, love." Bati sa akin ni Athena.

"You too."

We headed sa isang cuisine para kumain muna. She also suggested kasi na dumaan muna sa department store before watching a movie.

"So, how's school?" Nakangiting tanong sa akin.

"Kung makatanong akala mo hindi ako nakikita sa school araw-araw ah." Natatawang sagot ko na hindi naman talaga sagot.

"I just wanted to make a conversation. Ang tahimik mo kasi." She shrugged. Ayan na naman yong accent niya. Ang cute cute.

"Magtagalog ka pa nga."

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon