Chapter 1

0 0 0
                                    

•Chendria Pov•

"Hoy! Gigising ka ba o hindi?" Panggigising sakin ng pinsan ko.

"Hmmm! Mamaya na! 5 minutes pa" sabi ko.

"Anong 5 minutes pa! Hoy! Unang araw sa school ngayon, dapat di tayo late" sabi nya ulit sakin.

Ay oo nga pala! Unang araw nga pala ng pasukan ngayon.

Bumangon na ako at nag diretso sa banyo. Naligo nag sipilyo at nag bihis.

"Hoy! Ano tapos ka na?" Tanong ni Sheena mula sa labas ng kwarto ko.

"Oo! Teka lang, madaling madali ah" sabi ko sa kanya.

"Aba syempre! First day natin no! Makakakita na naman ako ng mga gwapo!" Excited na sabi nya. Kahit kelan talaga tong babae na to. Hanap lang gwapo.

"Tse! Puro ka ganyan! Di ka na ata pumapasok para mag aral eh, pumapasok ka na lang yata para makahanap ng gwapo" sabi ko sa kanya na ikinatawa naman nya.

"Your right!" Sabi nya.

Napailing na lang ako. Kahit kelan talaga loka loka yang pinsan ko na yan.

Kami lang dalawa ng pinsan ko sa buhay. Wala na kaming parents, yung mga magulang nya may kani-kanila ng buhay tapos iniwan sya. Ako naman matagal ng nasa langit ang mga magulang ko.

Namatay sila dahil sa isang car accident.

~~~

Bumaba na ako para kumain, inip na inip na kase si Sheena.

"HOY! dalian mo naman! Ang bagal naman neto" inis nyang sabi.

"Oo na oo na! Eto na nga po seniorita, tapos na po oh" sabi ko at tumayo na para kuhanin yung bag ko sa sofa.

"Oh tara na" yakag ko sa kanya.

Tumango sya at excited syang lumabas ng gate.

"Hoy! Umayos ka nga...ako ayaw na ayaw pumasok, ikaw naman gustong gusto" saway ko sa kanya.

"Eh kase...bat di mo ko gayahin. Dapat nag hahanap ka ng inspirasyon para naman may dahilan ka para pumasok" sabi nya sabay niyakap ang sarili.

"So...yung sinasabi mong inspirasyon mo lang yung dahilan kaya ka pumapasok?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya.

"Oh edi sayang lang yung tuition mo!" Sabi ko sa kanya.

"Hoy hindi no... syempre nag aaral din naman ako" sabi nya. Sus palusot. "Ang ibig kong sabihin, kailangan mo din naman ng kasiyahan, di yung puro ka nga aral, may pumapasok ba jan sa kokote mo?" Tanong nya.

"W-wala" sagot ko, yun kase talaga ang totoo. Di kasi ako matalino katulad nung iba jan.

"Oh eh ikaw? Wala din namang pumapasok jan sa kokote mo ah" sabi ko sa kanya.

"Oo nga! Kaya same lang tayo! Wag ka ng madaming sinasabi jan. Malapit na tayo!" Sabi nya tapos yumakap sa braso ko.

Nandito na kami sa harap ng School. Medyo kinakabahan ako, kase syempre unang araw namin dito.

Sa school na to eh nandito na yung daycare to college.

Pero di kami dito nag highschool sa ibang school kami, dun sa hindi mahal yung tuition fee. Eh ngayon nakaluwag luwag kami kaya dito na kami pumasok.

Kaya din ako kinakabahan kase mga bagong tao sila para sakin, i mean mga hindi ko sila kakilala o nakita sa tanang buhay ko.

Buti pa tong isa, sayang saya. Ako eto natatae na sa sobrang kaba.

Gangster's Fake GirlfriendWhere stories live. Discover now