CHAPTER 2: MISTER RITCH

15 9 7
                                    

"Mr. Ritch okay kalang po ba?" tanong ng Secretary ni Mr. Ritch.

(Mr. Ritchmond Tan a.k.a Sir Ritch- matapobere, mayabang, palabiro, anak ng may-ari ng Locreto's)

Humarap ako sa tinatawag nilang Mr. Ritch at kumuha ng panyo para punasan siya.

"Naku po Sir, sorry po talaga... Sorry po" sabi ko kay Mr. Ritch habang pinupunasan ng panyo ang kanyang Suit.

"Umalis ka." sabi ni Mr. Ritch

"Sir, naku sorry po talaga." sabi ko kay Mr. Ritch habang punas punas parin siya.

Hinawakan ni Mr. Ritch ang kamay ko at tinanggal sa kaniyang suit.

"Anong pangalan mo?" tanong niya sakin habang nakatitig siya sa aking mga mata.

Shet! Guys ang ganda ng mata niya. Infairness!

"Um, Tilly Mendoza po Sir?" sagot ko.

"Empleyado ka dito?" tanong niya saakin.

"Oo po Sir, first day ko po ngayon kaso ayaw po ako papasukin ng mga Security Guard po."

Lagot kayo mga Kuya Guard. Hihi!

"Well, I cant blame them kung bakit di ka pinapasok. Look at you, you're wearing cheap clothes, shoes, ugly make-up and chea perfume." sabi niya sabay lapit at amoy sa akin.

Ouch ah. Pinamukha saking cheap ako ah.

Well, lahat kasi ng sahod ko bilang General Manager sa dati kong pinagta trabaho-han ko napupunta kay Mama at sa mga kamag-anak namin. Di naman kasi kamay mayaman nuh. At lalo nang di ako pinanganak na mayaman. Pinagtrabahohan ko kung anong meron ako ngayon, I earned this.

Well, anyways back to the story.

Tumahimik lang ako kahit na ganung bagay na ang sinasabi sakin ng Matapobreng 'to.

"Anong department nga siya, you say?" sabi niya sa Secretary niya.

"Sa Front Desk po siya Sir. Receptionist." sagot ng Secretary niya.

"Oh God! This is not good, sino ang nag hire sa kaniya? Bakit ganito ang hinire nila? She's a mess." sagot ni Sir Ritch habang nagda drama.

Sumusobra na talaga tong matapobre na 'to.

"Sir, mawalang galang na po Sir. Kahit po ganito ako manamit. Ginagalang po kita... Sana po bilang empleyado mo deserve ko din po igalang kahit kunti man lang." sagot ko sa kaniya.

Hinawakan ni Sir Ritch ang balikat ko.

"Look at me, remember as long as empleyado kita at nasa teritoryo kita you have to take my criticisms. Di ako nag hi hire ng mayabang na wala namang iyayabang. Remember that Miss Mendoza." sabay kindat sa akin.

Napatulala naman ako sa sinabi niya kasi hindi ito ma absorb ng utak ko.

Nangyari ba yun? Totoo ba yun?
First day na First day ah. Diyos ko!

"Jessa, take care of this mess for me." sabi ni Sir Ritch sa kaniyang Secretary na ang pangalan pala ay Jessa.

(Jessa- Secretary ni Sir Ritch, mukhang mabait pero mukha lang, demonyo ang ugali, maganda, pero pangit ugali nga)

"Sumusunod ka sakin, Ms. Mendoza." sabi ni Jessa.

Agad naman akong sumunod sa kaniya.

Ang ganda naman dito, ang pogi ni Sir Ritch kaso matapobre. Maganda din tong Secretary niya. Ayus ah...

Rags To Ritches: I OWN THIS SPOTWhere stories live. Discover now