Prologue

16 2 0
                                    

Disclaimer:

This story is only work of fiction.All happened inside the story is just part of author's imagination.Expect that there's a lot of grammatical error, typographical error and more because I haven't edited the story yet. So if you see any mistakes,please bear with me.

◉⁠‿⁠◉

"Bumalik na siya!"

Sigaw ni Phoebe habang papunta sa upuan ng kung sino. Umiling-iling nalang ako dahil pinagtitinginan siya ng mga kaklase namin naguguluhan din kung sino ang tinutukoy nya at lalong sino ang kinakausap nya. Bumalik nalang ako sa pagbabasa ng librong binabasa ko,wala namang test wala gusto ko lang maging masipag na estudyante keme.Hingal na hingal sya na huminto sa harap ko,tumayo si Belinda sa upuan niya hawak ang librong binabasa nya.

"Hoy Phoebeanna ayusin mo buhay mo,ang aga-aga napakaingay mo na ah..anyway girl sino 'yung bumalik?" saad ni Belinda sinarado nya ang librong kanina nya pa binabasa at lumingon kay Phoebe na kasalukuyang hinahabol pa din ang kanyang hininga.

"Si Ga-" agad naputol ang sasabihin ni Phoebe ng biglang pumasok si Kyrie sa room at tila'y may sasabihin din.

Nagmadali syang pumunta sa pwesto namin nang makita nya kami.Kagaya siya ni Phoebe kanina na parang hinahabol ng aso at akala mo kung anong chika ang nasagap nila eh.Saaming magkakaibigan sila talaga ang tunay na mga chismosa,confirmed!

"Ano ba 'yan Kyrie,panira..ano...ay sino pala 'yong Ga na 'yun?!Ituloy mo yan Phoebe ayokong nabibitin ako" pagbabanta ni Belle.

Huminga muna ng malalim si Phoebe bago magsalita at ayan na nga po nagkatinginan muna sila ni Kyrie kung sino ang magku-kwento.

Jusko!Napataas ang kilay ko,sinusubukang basahin kung anong pinag-uusapan nila gamit ang kanilang mga mata!Para naman akong tangang nakatunganga din sakanila. Malapit na mag-bell 'di namin alam 'yong chika!Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Phoebe at Kyrie na para silang naputulan ng dila bigla. Ano 'yon pabitin?!Pasensya na kami lang ito ni Belle sino ba naman kami para sabihan ng chika. Final na wala talagang magsasalita?!Hindi ko nalang sila pinansin at inayos na ang gamit ko dahil malapit na ngang mag-bell.

"Bahala kayo,napakada-damot-" magsasalita pa sana ako ng tinakpan ni Phoebe ang bibig ko.Anak ng dragon, kalapati,bumubwakangshit!Ayokong pinuputol yung sasabihin ko. Tinitigan ko sya ng masama at ngumiti lang siya ng parang humihingi ng tawad bago alasin ang kamay nya sa bibig ko.

"Hayst ako na nga,itabi mo nga muna 'to si Phoebeanna sa harapan ko!" agad na hinila ni Belle si Phoebe. Pasensya pinanganak talaga kami para maging chismosa. "So bumibili kasi kami kanina sa malapit na coffee shop sa school,'yung sa tapat lang...ay hindi 'yong sa likod pala nung building malapit nung sa tindahan ni Aling Marites.May nakasalubong kami pero huwag kayong mabibigla ah." pagpapatuloy ni Kyrie pero mas kinabahan ako sakanya nung sinabi niyang huwag kaming mabibigla, nagkatinginan tuloy kami ni Belle at excited na sa susunod na sasabihin nya. Nakikinig kaming parang wala kaming klase ah. "Kapag bumili ka ng kape dun makikita mo 'yung forever mo...oo tama..ma-makikita mo 'yung love of your life mo." pagpapatuloy ni Kyrie at sumang-ayon naman itong si Phoebe na parang 'yon din yung nasagap niya. Inirapan lang namin sila ni Belle dahil paniguradong kaharutan lang 'yon at gawa-gawa lang ng imahinasyon nila 'yon. Pag-bumili ng kape makikita mo yung love of my life ko,ano kami uto-uto?!Mukha ba akong nakikipagbiruan?!

So ayon nandito ako ngayon sa sinabing coffee shop ni Phoebe at Kyrie,well wala naman sigurong masama kung tama yung sinabi nila na baka nga nandito na 'yong love of my life ko.Lol!Bibili ako ng kape kase sabi nila masarap yung kape dito,first time ko dito dahil kakabukas lang nila nung isang araw. Malapit lang din naman sa school kaya keri lang.

Eternal HappinessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant