Chapter 13

20.1K 424 38
                                    


Hi, @gela7540, this chapter is dedicated to you! Thank you for supporting TBUT!

Enjoy!

—desiredink—







"THEY have pretty names." Sathel smiled. Umaliwalas na rin ang kaniyang mukha.

"Of course!" I chuckled. "Hindi ko akalain na dalawang anghel pala ang dinadala ko."

"Surprise talaga, Madam," aniya.

"Sobra." Napangiti ako nang maalala ang reaksyon ko sa gitna ng panganganak.

"Nangingiti ka r'yan?" pang-aasar niya.

I glared at him. "Pakialam mo ba! Mas dinaig mo pa nga reaksyon ko no'ng malaman kong kambal ang anak ko!"

Gulat na gulat kasi ang hitsura niya. Akala mo siya 'yong nagbuntis!

He chuckled. "Nakakagulat naman kasi talaga, Madam. Sino ba naman nag-expect na kambal na pala ang dala-dala mo?"

I let out a heavy sigh. "Hahanapin ko pa rin si Zreandra. Hindi ako titigil hangga't hindi nagbabayad ang taong may gawa nito sa pamilya ko."

"I will help you as I can, Zrei. Tutulong ako sa paghahanap," he muttered.

I'm so lucky to have Sathel on my side. He's my greatest friend. Talagang nag-aalala ako para sa kaligtasan niya no'ng mabalitaan ko ang nangyari sa kaniya.

Hndi ko yata matatanggap kapag may nangyaring masama kay Sathel. Napakadami na niyang naitulong sa akin at hindi ko pa nasusuklian ang mga 'yon.

"Thank you, Sathel," I sincerely said.

Nang dahil kay Sathel ay hindi ko naramdaman na mag-isa kong kinakaharap ang mga problema ko. He's always there beside me, kahit hindi niya talaga alam ang buong problemang dinadala ko. He's always willing to help me in everything he could.

"Wala 'yon! Basta para sa 'yo, Madam!" He smiled.

"Kumain ka para mabilis kang makalabas sa ospital na 'to." Tumayo ako at lumapit sa center table kung nasaan ang isang basket ng prutas na binili ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may complications pang nakita sa 'yo."

Kumuha ako ng isang orange at mabilis na binalatan iyon. Kumuha na rin ako ng isang tangkay ng grapes at dinala kay Sathel.

He was smiling from ear to ear. Napairap na lang ako sa kaniya.

"Nai-kuwento sa 'kin ng nurse 'yong tungkol sa unang doktor ko," aniya.

I rolled my eyes again as I sat back on my chair. "Kainin mo 'to." Inabot ko sa kaniya 'yong orange na agad naman niyang tinanggap. "Tss. Don't call him a doctor, he didn't deserve to be called one."

He stifled a laugh. "I'm flattered."

"Kumain ka na lang diyan! Huwag mong sinisira ang mood ko nang dahil sa doctor na 'yon. Bigyan ulit kita ng hemorrhage d'yan, eh!" I joked.

Tinawanan niya lang ako at kumain na rin siya ng mga prutas na dala ko.

Naalala ko pa ang sinabi ng doctor niya noon sa akin nang subukan niyang humingi ng tawad, dahil nagsampa ako ng kaso sa kaniya. Aniya, napag-utusan lang daw siya na gawin 'yon at pinagbantaan daw ang kaniyang buhay kung hindi niya susundin ang utos. Hindi naman ako naniwala sa mga sinabi niya dahil wala siyang sapat na ebidensiya na makapagtuturo sa kung sino ang nag-utos sa kaniya.

Nang makalabas si Sathel sa ospital ay bumalik siya sa kaniyang dating gawi. Halos araw-araw siyang nandito sa bahay tuwing natatapos ang trabaho niya sa hotel. Kung dati ay ako ang lubos na inaalagaan niya, ngayon naman ay ang anak ko.

The Billionaire's Unexpected Twins [Editing]Where stories live. Discover now