⛲ SECOND SPLASH ⛲

1.1K 70 49
                                    

"Bestie!" Kai greeted me with a hug as soon as she opened up the door for me. Niyakap ko rin naman siya pabalik kahit ngalay na ang buong pangangatawan ko.

The feeling of comfort immediately flowed in my veins. I'm just glad that I have a bestfriend like her. Wala na talaga kasi akong maisip na ibang malalapitan sa ganitong klaseng mga pagkakataon.

"Grabe. Buti na lang 'di ka pa gutay-gutay. Pasok na dali!" she invited as soon she broke the hug.

Pagkapasok sa maliit na espasyong tinutuluyan niya ay inilapag ko na kaagad ang aking mga gamit sa sahig.

"Diyan mo na ipatong 'yan sa isang kama. Since bakasyon naman, umuwi muna sa kanila yung kasamahan ko rito. Huwag ka na lang masyadong magpahalata sa mga tenants diyan sa ibang rooms. Baka masilip tayo, yari na," aniya bago dumiretso sa maliit na kusina para makapaghanda ng makakain.

A soft smile escaped my lips as I moved my things from the floor towards the empty bed. Mukhang inayos na rin niya ito para sa 'kin kaya nagpatas na lang ako ng ilang mga kagamitan doon.

"Thank you sa pagtulong sa 'kin, bestie. 'Di ko na rin kasi alam kung sinong pwedeng malapitan. Mga pinsan ko naman, malalayo rito kaya 'di rin ako makahingi ng tulong," sabi ko para mapunan ang tahimik na paligid habang nagpapatas ako ng aking mga damit.

Nadinig ko ang pagpilantik ng mantika sa kawali nang sagutin naman niya ako. "Ano ka ba, KD. Wala 'yon. Buti nga kamo nagkataong wala akong kasama rito eh kasi kung hindi, parehas na tayong mamomoroblema kung saan ka muna pwedeng makituloy," hagikhik niya. "Ano ba kasing nangyari? Bakit ka ba na-evict sa bahay ni pudrakels mo? At saka ano palang nangyari kanina ha? Bakit para kang napa-hello from the other side nung unang sagot ko sa tawag mo?"

I stopped from folding my clothes to contemplate what I am supposed to feel about her question. Nandito pa rin yung nararamdaman kong hiya sa sarili at yung inis ko kay Dad but at the same time, muling namuo yung irita ko sa bwiset na lalaking nakabunggo ko sa may water fountain sa plaza. Now, I don't know what feelings to recalibrate.

Isinalampak ko ang aking katawan sa malambot na kutson at saka nagpakawala ng isang mabigat na buntonghininga. "Can we not talk about tonight? Promise, bestie, kwento ko sa 'yo bukas," mabigat kong tugon sa kanya. Sadyang flooded pa lang ang isipan ko ngayon.

Nakatitig lang ako sa kisame pero dama ko ang pagbaling ng tingin ni Kai sa 'kin. I can picture her downturned dark brown eyes piercing me with pity.

"Kung 'di ka pa komportableng ikwento sa 'kin, sure," mapang-alo niyang sambit.

Naramdaman kong lumundo ang kama sa 'king tabihan. A soft hand gently stroked my hair as I stay petrified in bed. There's a stormy feeling inside of me. Tila ni-recap ng utak ko ang buong kaganapan sa bahay kanina habang unti-unting bumibigat ang aking mga pilik.

"Let your feelings flow, bestie. You fought a great fight today."

As my eyes gently shut, a tear strolled down from my left eye.

I was getting a bit drowsy when a weird scent captured my nose. With the last brittles of energy I have left, I mustered it to tell Kai, "Nasusunog na yung piniprito mo."

≋≋≋≋≋≋≋

I was dripping wet with the towel wrapped around my waist when I found Kai on my bed ogling at some of my stuff. I immediately closed the bathroom door and rummaged towards her only to see that she's browsing through some of my sketches.

"Huy! Bakit mo tinitingnan 'yan? Nakakahiya!" halos mapiyok kong pambibisto. Kaagad kong inagaw mula sa kanya ang sketchbook ko.

She immediately turned around to face me with an exasperating look on her face.

Water Fountain [BL; BxB] - Published under PaperInk PublishingWhere stories live. Discover now