077

16 1 0
                                    

Rue.


Malapit na ang hatinggabi pero hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. Iilan din sa mga kagrupo ko ay hindi pa natutulog dahil kausap pa ang mga kasintahan sa malayong room kung saan ang grupo ni Doyoung ang naroon.

Napaisip ako ng mabuti kung bakit hindi pa rin niya ako pinapansin. Ano bang nagawa ko?

Dahan-dahan akong umupo dahil tulog na ang dalawa kong katabi. Nakita kong tulog na rin si Yedam at ang iba pa.

Napatingin ako sa phone ko at nakitang alas-onse na. Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi dahil hindi ako makatulog kahit anong gawin ko.

Sa hindi kalayuang upuan, kinuha ko ang jacket kung nasaan ang bag na dala at dahan-dahang tinungo ang pintuan. Napatingin ako sa kanang banda ng classroom at nakita si Ria na gising pa. Nginitian niya ako at nagsalita.

"Gusto mong magpahangin? Sige na, hindi ka naman namin isusumbong. Kailangan mo 'yan."

Tumango na lamang ako at nagpasalamat. Alam kong kahit hindi ko siya masyadong nakakausap dahil sina Sachi at Jeongwoo ang kaclose niya, ramdam ko na may alam siya tungkol sa amin ni Doyoung. Mapagkakatiwalaan naman siya dahil sa ginawa niya rin para sa kaibigan niya.

Lumabas na ako at agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Madilim na at nakita kong sa kabilang building ay bukas pa ang iilang ilaw ng ibang team. Paniguradong hindi rin sila makatulog dahil sa panahon.

Nagulat na lamang ako nang sinabi na puwede na ang magpuyat. Gayon pa man, mahigpit pa rin ang pagbabantay sa amin.

Mayroong mga guard na umiikot kapag pumatak na ang alas-dose ng gabi. Napailing na lang ako dahil posible pa rin ang may makatakas kahit marami ang nagbabantay.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at ngumiti dahil sa lamig na nararamdaman. Mabuti na lang at hindi ganoon kadilim dahil maliwanag ang buwan sa kalangitan.

Napahinto ako ng may marinig na isang malakas na bagay ang nabasag sa ikalawang palapag ng gusali kung nasaan ako. Agad akong napaiwas at napatago sa madilim na hagdan.

Walang team sa second floor ng building na 'to. Ano naman kaya ang mababasag doon?

Nagtago pa ako ng maigi dahil nakarinig ng isa pang nabasag. Dahan-dahan akong lumabas sa kinaroroonan ko at tinignan muna ang paligid. Bumalot ang katahimikan at nagdesisyon akong umakyat para tignan kung ano iyong mga nabasag.

Habang dahan-dahan na umaakyat ay napapatingin ako sa likod ko dahil sa tingin ko ay mayroong nakasunod sa akin. Umiling na lang akong muli sa naisip na baka guni-guni lang iyon.

Nang makatapak sa second floor ay agad akong pumasok sa isang classroom at nagtago. Bakit sira ang pintuan ng room na ito?

Mayroon bang gustong magnakaw?

Madilim ang buong room at halos wala akong makita. Nang may marinig akong naglalakad sa hagdan ay hindi ko alam kung saan ako magtatago.

Baka ang mga guard na 'yan!

Muntik na akong mapatili dahil mayroong humila sa kamay ko at agad akong yinakap. Lalong bumilos ang tibok ng puso ko sa naamoy na pabango.

"Huwag kang maingay."

Si Doyoung!

Anong ginagawa niya sa labas ng ganitong oras?

Niluwagan niya ang yakap ngunit mabilisan ang ginawa niyang pagpalit ng aming mga pwesto. Siya ngayon ay nasa harapan ko na at nakatitig sa akin.

"Anong ginagawa mo dito sa sulok?" bulong ko sa kanya at tinignan niya ang pintuan ng classroom na nakabukas pa rin.

"Nagtatago."

Apple: K. DoyoungOù les histoires vivent. Découvrez maintenant