Chapter 9

238 8 0
                                    

CHAPTER NINE

The Party

Amara Venice's Point of View

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

"Let's go," napasulyap ako kay Didi nang magsalita siya. Tumango lang ako at tinungo na namin ang cafeteria. Ramdam ko naman na nakasunod sa amin 'yong apat.

Nakita lang namin sa directory kanina kung nasaan ang cafeteria.

Pagkarating namin doon ay hindi na ako nagulat na maraming kapwa naming estudyante ang nasa loob at ang iba ay papasok pa lang gaya namin.

Nauna kaming pumasok ni Didi at agad na naghanap ng bakanteng upuan. Para talagang food court itong cafeteria ng Hearthstone. 

Ganito rin kasi ang cafeteria sa Hearthstone Academy pati na rin sa Hearthstone Montessori. Nang makahanap kami ni Didi ng bakanteng upuan ay agad naming pinuntahan iyon at umupo kaagad. 

Halos mapuno na rin kasi itong cafeteria kaya mabuti na lang at nakahanap pa kami ni Didi ng pwesto. Maya-maya pa ay umupo na rin sila Joaquin sa tapat namin dahilan para magtama ang mga mata namin. 

Ako na ang umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal sa kaniya. Ngayon ay katapat ko si Joaquin at si Cyprus naman ang katapat ni Didi. Magkatapat din si Cedric at Inigo. 

"Kami na mago-order, ano sa inyo ladies?" Prisenta ni Cyprus. Napatingin naman ako sa menu book na nasa table namin. Kinuha ko ito at binasa ang harap, Hearthstone's Cafeteria's Menu. 

Gawa ang menu sa glossy paper at maganda ang design. Binuklat ko ito at bumungad sa akin ang table of contents. Binasa ko ito at masarap naman lahat. Pero gusto kong mag-waffle at lemonade ngayon. 

Hinanap ko ang 'Waffles' at tiningnan kung ano page ito. Page 168. Kaagad kong nilipat sa page 160 ang menu. 

"Ahmm Classic Waffle at Lemonade na lang sa akin," ani ko sabay tingin kay Cyprus na tumango lang. Nang matapos na akong mag-order ay sinara ko na ang menu book at nilapag ulit ito sa mesa. 

"Pumpkin-Apple Muffins Muffins with Streusel Topping and Blue Lemonade," turan naman ni Didi at pagkatapos n'on ay tumayo na silang apat para mag-order. 

"Wait, I'll pay mine," pigil ko sa kanila at akmang bubuksan ko na sana ang bag ko nang magsalita si Joaquin.

"I know that you can pay for it but let me, Venice," sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin at inaya na sila Cyprus na tumungo sa counter. Ako naman ay sinundan ko lang ng tingin si Joaquin. 

Napaigtad ako nang sinundot ni Didi ang tagiliran ko kaya napasulyap ako sa kaniya at sinamaan ng tingin pero hindi yata siya natakot dahil nakangisi lang ito at mukhang nang-aasar. 

"Yiehhhhh, iba na 'yan Vivi. Ship ko talaga kayo ni Joaquin," umirap lang ako sa sinabi niya. 

"Hayaan mo, titanic nga, lumubog, iyang ship mo pa kaya?" Natatawa kong tugon sa kaniya pero tumawa lang siya. 

"Hay nako Vivi. You're so nega. Lumubog ang titanic dahil sa malaking iceberg at huwag kang mag-alala. Safe ang ship ko na JoaNice," bumuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya.

Bahala siya diyan. Hindi naman nagtagal ay dumating na sila Cyprus dala ang mga order namin.

Binaba ni Joaquin 'yong bitbit niyang tray sa tapat namin bago siya umupo. Minasdan ko lang ang mga galaw niya nang inalis niya mula sa tray ang waffle at lemonade ko.

Nilagay niya iyon sa tapat ko kaya nag-angat ako ng tingin at seryoso lang siya habang ginagawa iyon.

Kapagkuwa'y kinuha niya naman ang order niyang isang slice ng pizza at hot chocolate drink. Nagtama ang mga mata namin at ngumiti lang siya sa akin. Ngumiti lang din ako.

Defiant Youth Series #1: Abiding Dismay (COMPLETED)Where stories live. Discover now