Chapter 3

444 33 7
                                    


Kale Louis Alcantara

Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay nadatnan ko ang seryosong tinginan ng dalawa na para bang may mga kuryente at apoy na namamagitan sa mga tingin nila. Hindi ko alam kung ilang minutong nagtagal ngunit natigil lamang ito ng makita ako ni Kierro na nakatayo sa may bungad ng pintuan. 

Agad nagbalik sa panonood si Kierro at nakangiting lumapit naman sa akin si Van na para bang walang nangyari kanina kanina nina lamang.

"Kierro." pagkuha ko sa kanyang atensyon. Napalingon naman ito sa amin. "Si Van nga pala kaibigan ko." Tumango lamang ito "Van this is Kierro Alani, my...ex fiance." napalunok dahil pakiramdam ko nahihirapan akong magsalita sa harap nilang dalawa. 

Nagkatinginan lang ang dalawa ngunit walang ibinigkas na kahit man lang isang salita.

Tumango lang ulit ito at agad ding ibinalik  ang kanyang atensyon sa panonood.

"Let's go"  Tumango lang ako kay Van at dumiretso na kami sa may kusina para maghanda.

"Baby do you need my help?" nagtaka man ako sa naging tawag nito sa akin ay tumango parin ako.

"Yes please. This vegetables, you need to wash to remove the dirt and chop for the sinigang." Tumango lamang ito saka kinuha ang gulay na isasahog sa siinigang. Paborito kasi iyon ng mag ama kaya yun ang lulutuin ko.

Habang abala si Van sa paghuhugas ng mga gulay ay inumpisahan ko na ring igisa ang karne para sa sinigang, pagkaTapos ay sinunod ko na din hugasan ang bigas at isalang sa may rice cooker. Tiningnan ko si Van na ngayon ay patapos na sa kanyang ginagawa kaya ibinigay ko na ang kamatis na susunod niyang hati hatiin para sa siarsiado na paborito niya. Wala naman siyang naging reklamo at dire diretso lang ang kanyang gianagawa

Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay kumulo na din ang sabaw, oras na rin para ilagay ang mga gulay. Siguro aabot nalang ng kinse minutos para tuluyan ng maluto. Chineck ko na rin ang kanin at mabuti nalang bumaba na ang tubig.

Nang matapos na ang una kong isinalang ay inumpisahan ko ng iprito ang tilapia. Habang ako ay abala dito ay nagulat ako ng makaramdam ako ng kamay na pumulupot sa aking bewang. Nilingon ko ito at nakita kong si Van na nakangiting parang tanga.

"Van Van, anong ginagawa mo baka may makakita sa atin. Makita ni Hayden. Tanggalin mo nga yang kamay mo." Umiiling lang ito at hindi pinakinggan ang aking sinabi. Hinigpitan pa nito ang pagyakap sa akin na parang mawawala ako. Sinubukan kong kumawala pero napakahigpit ng yakap niya kaya hinayaan ko nalang. Hindi naman sa hindi ako komportable dahil matalik na kaibigan ko siya pero baka kasi makita kami ng anak ko at natatakot ako kung anong iisipin nito.

"Baby, I miss you so much." natawa nalang ako sa kanyang sinabi na akala mo naman hindi niya ko kayakap. "I miss you too" Namiss ko rin naman ang lalaking ito dahil ilang taon din siyang wala sa pilipinas isa? Dalawa? Tatlo? Kaya siguro ganito nalang niya ako namiss. Clingy na siya noon pero bakit parang naging sobra na ngayon.

" Hmmm.." huminga ito ng malalim sa likod ko pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglaang pagharap nito sa akin at pinagdikit ang mga labi namin. Ngunit ganun nalang ang paglaki ng mga mata ko at paglukob ng kaba sa dibdib ko nang makita kong nakatayo si Kierro sa may bungad ng pintuan na walang emosyong nakatingin sa amin.

Agad akong napaatras na naging dahilan ng pagtataka ni Van ngunit hindi nakalagpas sa aking paningin ang ngising nakaukit sa kanyang labi ng mapalingon ito sa may pintuan.

"Gutom na daw si Hayden." tanging nasabi nito habang walang emosyong nakatingin sa akin bago siya bumalik sa may sala.

Hinarap ko si Van na ngayon ay nakangiti ngunit mababakas parin ang pag alala sa kanyang mukha.

The HusbandWhere stories live. Discover now