5 Weeks Deal

7 1 0
                                    

Note: Two POVs - Her and His


1st Week

Her

I'm finally free and I don't miss him at all. Ito ang nararamdaman ko ngayon. Dapat ba akong ma-guilty? Oo, hindi biro ang 5 years. Before 7th Grade ay naging kami agad. We're both young at that time but I grew up together with him. Pero there's so much out there and ayokong ma-stuck kami sa same day same cycle. 5 weeks vs. 5 years, yan ang napagkasunduan naming dalawa.

Nag-message sa akin si Jacob, yung popular na captain ng basketball team sa school namin. Nung narinig niya sa iba na single daw ako ay gusto niya akong ligawan. Teka lang naman, speed lang ganon? This is my chance to get to know other boys but I rejected him. I want to enjoy my freedom for a while.

His

Di ko alam kung mahal ko pa rin siya o hindi na. Ganun din siguro ang nararamdaman niya para sakin. Parehas kaming nagdadalawang-isip at nasasayangan sa 5 years kaya naman sinuggest kong mag-break or cool-off kung ano mang tawag dun for 5 weeks. Then decide if we'll give it another shot or finally let go. Balita ko ay binabakuran na siya ni Jacob, ka-team at captain ko sa basketball. They will look good together but I feel uneasy. It's too soon! Uso pa ba 3 month rule ngayon?

Pinasyal ko si Riru today, my dog, sa subdivision namin kaya nakilala ko si Ynna, bago naming kapitbahay. Bukod sa magkasundo ang dogs namin ay she's pretty cute pero wala sa isip kong pormahan siya. I'm just glad to get to know other people without thinking kung okay ba kay Audrey. Selosa kasi yon.

2nd Week

Her

Pinagbigyan ko si Jacob ng isang date dahil pagkatapos ay hindi na daw niya ako kukulitin. Super saya niyang kasama, lahat ng trip ko ay trip niya din. Di tulad with Nathan na halos lahat ng gusto ay opposite ng gusto ko.

Speaking of, nakita ko siyang naglalakad na may kasamang babae. She's pretty. Medyo naiinis ako dahil ang bilis niya makamove-on. Nakokonsensya pa akong sinamahan ko si Jacob.

I pretend I didn't see him at sinabi kay Jacob na pumunta na lang kami ng ibang lugar.

His

Sinamahan kong umikot si Ynna sa malapit na mall at parks dahil di pa siya familiar dito, galing daw kasi silang province before lumipat sa city.

I pretend na di ko nakita si Audrey na tumatawa kasama ni Jacob. Huh? Kala ko ba ay ni-reject niya na si Jacob, baka mali ang balita ko. Mukha naman siyang masaya at matagal ko na di nakita na tumatawa siya. Her laugh lights up the whole room. One of the reasons why I fell in love with her back then.

3rd Week

Her

OMG! Pumasa ako ng U.P. This is my dream school! Di ako makapaniwala!

Without second thoughts ay tinawagan ko si Nathan. "Hello---" narinig ko yung boses niya saglit at nalinawan ako.

Oh shit. Binaba ko agad. Unconsciously, ay natawagan ko agad siya. Nasanay na kasi akong ibalita sa kanya lahat, good or bad news. Nauuna ko pa nga ikwento sa kanya bago sa parents ko.

Inaya ko yung mga barkada kong mag-bar para gumimik at mag-celebrate. Last hurrah na din kasi before kami maghiwa-hiwalay for college. Lagi na nila akong inaasar kay Jacob. Mas bagay daw kami at mas gwapo daw kay Nathan. For all I know, gusto lang din nilang i-reto ko sila sa other friends ni Jacob na gwapo at popular sa school. Niyaya ko sina Jacob at nag-decide silang sumama samin.

This will be fun!

His

Tumawag si Audrey nung isang araw. I wonder kung bakit pero di naman siya nag-message after kaya baka accidentally lang.

5 Weeks DealWhere stories live. Discover now