41

29 1 1
                                    

Marahil ang pag-ibig kahit bilang magkaibigan ay hindi para sa atin. Walang nagkulang sa atin. Pareho tayong magiging pilat ng isa't isa taon man ay palipasin. Nasisiguro kong naging masaya ka rin noong nagsisimula pa lang ang istorya. Pero gaya ng mga kwentong pambata at matanda, bawat kwento ay may wakas at simula. Hindi man tulad ng nais ng iba na masaya ang dulo ng akda, masaya akong nagawa kong wakasan na ito ng magaan at walang iniinda. Mananatili kang unang salita na aking isinulat at binitbit ng matagal. Mananatili kang "ikaw" mag-iba man ang paningin ng ilan sa iyo. Hindi ko pagsisisihang naging bahagi ka nang buhay ko. Kaya sana sa susunod na mabanggit ng iba ang pangalan ko sa iyo at mabanggit nila ang pangalan mo sa akin, mangingiti tayo dala ang mga alaalang masasaya kasama ang luhang naging dala. Nagdugo mang minsan ang aking pluma, salamat sa'yo dahil nakahanap ako ng panibagong tinta. Daan daan mang tula na may pangalan mo ang nailathala at inanod ng bulong sa hangin, salamat pa rin.

Mananatili kang paunang salita hanggang sa hindi ko pa nakikita ang aking pangwakas


- Jessica

                

Kwento na hindi mo narinigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon