CHAPTER 66

1.8K 78 4
                                    

'THIRD PERSON P.O.V'

SA ISANG bahagi Ng magical world kung saan wala masyadong naninirahan at pumupunta dahil ang lugar na yun ay inisumpa Ng Isang hindi kilalang Nilalang.

Ngunit ang sabi sabi Ng Ilang magic users na nakasaksi sa nangyari ay Isang magandang diwata daw ang may kagagawan niyon dahil sa galit nito sa hari Ng darkians dahil ginamit nito ang diwatang 'yun upang gumanti ang Hari Ng darkians sa mga magic user's.
Kaya nagalit ang diwata sa ginawa Ng Hari Ng darkians dahil pakiramdam nito ay hindi siya minahal Ng Hari Ng darkians. kaya inisumpa nito ang secreto nilang tagpuan na siyang pinangarapan nilang pag tatayuan Nila Ng sarili nilang kaharian nang saganon ay walang makialam sa pag iibigan Nila.

Ngunit nalaman Ng diwata na siya ay niloloko lang pala Ng hari kaya umalis ang diwata Ng walang paalam at inisumpa nito ang papatayo na nilang kaharian.

Ngayon ay napapaligiran na ito ng mga patay na kahoy at mga halaman na dati rati ay masasagana at magaganda.

Sa Isang mataas na puno hindi kalayuan sa kaharian na yun may nakatayo don na Isang babae na nakasuot Ng battle suit habang may takip ang kalahati Ng mukha nito.
Tanging ang ilong at bibig lang nito ang makikita, kung sino man ang makakakita sa babae ay makikita nito ang mala demonyo nitong ngisi sa labi na kahit na sino ay kikilabutan.

Bigla nalang nawala ang babae sa mataas na puno at paglipas Ng ilang minuto ay nakapasok ang babae sa loob Ng kaharian Ng wala manlang ang nakakapansin.

Nag tago ang babae sa Isang pader Ng maramdaman nito na may papalapit sa gawi Niya.

"Kailangan natin na mag madali bago pa magalit si Queen Aurora" sabi Ng Isa.

"Oo nga, pero ano ba ang dahilan Ng bigla nalang pag tawag saatin?" Takang Tanong Naman Ng kasama nito.

"Hindi ko rin Alam, pero narinig ko kanina sa mga kasamahan natin na kasamang lumusob sa Elemental kingdom na kasama daw nilang umuwi rito si Princess sabrina" sagot Naman Ng Isa pa nilang kasama.

Nag patuloy pa ang mga ito sa pag uusap hanggang sa nalagpasan Ng mga ito ang pinag tataguan Ng babae.

Ng tuluyan Ng malagpas ang tatlong darkians sa pinag tataguan Ng babae ay agad itong umalis don at ginamit nito ang kanyang kakayahan upang hindi mapansin Ng mga darkians.

Bawat sulok Ng kaharian na yun ay pinuntahan Ng babae pati ang sagradong lugar don ay pinuntahan Niya at hindi na ito nagulat Ng makita nito ang laman Ng lugar na yun.

Punong puno yun Ng mga malalaki at maliliit na litrato na nasa frame.
Umikot siya at nakita Niya ang malaking portrait na nakadikit sa pader ang laman niyon ay Isang napakagandang babae na may napakaitim na buhok na alon alon at hanggang beywang nito yun.
At ang mata nito ay Kasing itim Ng dilim sa gabi ngunit kung titignan mo Ng mabuti ay may kasiyahan na nakapaloob don.
Bumaba pa ang tingin Niya sa ilong Ng babae at natural na yung matangos at ang labi nito na mapula na Kasing pula Ng rosas. At ang balat nito ay Kasing puti neyebe, nakasuot ito ng mahabang kulay itim na dress na hanggang talampakan nito at halata ang hubog Ng katawan.

Para itong si snow White na inipinta Ng Isang sikat na pintero, ngunit hindi.

Tinignan pa Niya ang mga larawan na nandon at napansin Niya ang Ilang litrato na naroon ang babaeng may itim na mga mata kasama ang Isang matipuno at gwapong lalaki.
Kitang Kita sa mata Ng lalaki na Mahal na Mahal nito ang babaeng kasama nito sa larawan, ganon din ang babae.

Mabilis na nag lahu ang babae na nasa loob Ng sagradong lugar at pumunta sa bulwagan Ng kaharian.
Bumungad sakanya ang nakahilerang mga darkians na nakikinig sa sinasabi Ng kanilang pinaka pinuno na nasa harap.

THE COLDHEARTED GANGSTERQUEEN IS THE LOST LEGENDARY PRINCESS OF ELEMENTALKINGDOMWhere stories live. Discover now