1

32.1K 439 14
                                    

"Ma'am Alyssa, pinapatawag na po kayo ng Daddy nyo. Punta na raw po kayo ng library."

Napatingin ako kay Manang Lusing nang tawagin niya ako. Inubos ko ang natitirang tubig sa basong hawak-hawak ko bago ito ibinaba sa kitchen sink. Damn! Anong excuse na naman ba ang sasabihin ko kay Daddy this time?! Sabagay, bakit nga ba mag-iisip pa ako. Useless din naman! "Sige ho, Manang susunod na ako. Magsi cr lang po ako." Ramdam ko na ang pamamawis ng mga kamay ko.

"Naku, Ma'am Alyssa, sabi po kasi ng Daddy nyo, pumunta kayo agad at ayaw niyang maghintay ng matagal." Napapakamot pa si Manang habang nakatingin sa akin.

Guess wala na talaga akong lusot pa. I sighed and looked at Manang. "Sige ho. Akyat na ako ngayon."

Naglakad na ako palabas ng kusina at nagderecho na sa pagpanhik sa second floor ng bahay kung saan naroon ang library. Nakasalubong ko pa si Tita Nemi na asawa ni Daddy. Pinilit kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

"You're father is very angry, Aly.." Mababakas sa boses nito ang concerned. Though hindi ito ang biological mother niya, hindi naman ito nagpakita ng masama sa kanya. She even treated her like her real and own daughter. "You'll be okay? Or you want me to go with you and help you talk with your father?" Masuyong dugtong nito.

Tipid siyang ngumiti. "T-Thanks po Tita. Ayoko pong mag-away pa kayo ng dahil sa akin."

Umiling-iling ito. "I can handle your father very well Aly." Pagbibigay assurance nito.

"Salamat po Tita. Pero sobra na po ang nagawa nyo sa akin." I bite my lip and tried to suppress the nervousness that I'm feeling. "Sige po, baka mainip pa yon at lalo akong malagot." Dinaan ko na lang sa biro para hindi siya mag-alala sa akin. Though its clear in my voice the lack of confidence.

Tumango-tango ito at ngumiti. "But if you need anything, you know I'm always here, hija."

"Opo. Salamat po ulit." Sabi ko bago ako nagpatuloy sa pag-akyat sa taas.

Nang nasa tapat na ako ng library kumatok lang ako ng dalawang beses bago ito binuksan. Isinilip ko ang ulo ko. Nakita ko ang seryoso at pormal na mukha ng Daddy ko. Hindi nawala sa pansin ko ang pagtiim bagang niya nang makita ako. Dahan-dahan akong pumasok. Sobra akong kinakabahan. May pakiramdam ako na hindi magiging maganda ang magiging pag-uusap naming ito ng aking ama. "D-Dad, p-pinatawag nyo po ako?" Mahina kong tanong.

Nagulat ako nang bigla niyang hampasin ang mesa. Napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang pagtitimpi niya na hindi ako pagbuhatan ng kamay. Mabuti na lang at may nakapagitan sa aming mesa, kung nagkataong wala, baka nasuntok na ako ng lalaki sa harapan ko.

"Don't play dumb, Alyssa Valdez!" Sigaw nito. He's really mad! The fact that he called me with my full name is enough proof.

Napatungo ako at nakagat ko ang labi ko. "D-Dad its not what you think.." Mababa ang boses na sabi ko.

"At anong kasinungalingan na naman ang gagawin mo ha, para makumbinsi ako?!?" Salubong ang kilay nitong tanong. "Look at me when I'm talking to you, Alyssa Valdez!" Maawtoridad nitong utos.

Mabilis ko namang sinalubong ang tingin ni Daddy kahit sobra na akong natatakot sa kanya. "D-Daddy hindi naman po kami ang may kasalanan eh.." I tried to reason out. "We were just hav--"

"Stop!" He snapped at me! Nakamwestra pa ang kanang kamay niya. "You were driving with the influence of alcohol! My God Alyssa! You're just a minor!"

Ilang shots lang naman ang nainom ko. I know my limitation, I guess this is just not my day. Imbes na sabihin ko ito kay Daddy sinarili ko na lang. Looking at him right now, kahit anong paliwanag ko hindi niya tatanggapin. Oh well! What's new?!? Kailan ba nakinig sa akin si Daddy?! He never gave me the benefit of the doubt even once! Noon kahit hanggang ngayon, basta nainvolve ang pangalan ko sa kahit anong kalokohan, wala siyang papakinggang paliwang galing sa akin. Ibabase lang niya ang lahat sa narinig niyang kwento. Bukod tanging sa akin lang sarado ang utak niya.

Make it Right!Where stories live. Discover now