23

1.3K 29 2
                                    

Victoria

After one month ay natapos din naman ang commercial nang mag-ina. Natuwa naman kami pati na rin ang mga kamag-anak ko dahil naging maganda at touching nang nasabing commercial.

Dumating na ang araw ng launching nang aming bagong commercial.

"Let's welcome our father and daugther endorser of our new ad Campaign Mr. Roland Mababang Loob together with her real life daughter Rya."

Nagpalakpakan ang press people pagpanik ng mag-ama sa stage.

"May we also call on the head of this Project no other than the apo of Dona Victorina Zaragoza, Miss Victoria Zaragoza and the Marketing Head of Victorina Brewery the son of Dona Victorina, Mr Victorino Zaragoza."

Nagumpasa ng magtanong ang press tungkol sa project namin. Inumpisahan nilang tanungin si Rya kung anong feeling nya dahil silang mag-ama ang nakuha sa ad. Tuwang-tuwa naman si Rya rito.

"Dito naman tayo kay Roland. Na hindi na ako magtataka kung one of these days hihirangin na siya bilang pinakaguwapong tatay sa balat ng lupa. Alam mo kasi Roland ang pogi-pogi at yung pagkapogi mo talagang pansinin. Kapag inoferan kang mag-artista papayag ka ba?"

Natawa kami sa tanong na iyon.

"Pwede pa ba ako? Am siguro... depende sa kung anong ipagagawa sa akin kasi po ngayon ang priority ko po itong si Rya."

"Roland ano pang ikinabubuhay mo?"

"Am sa Davao po tumutulong ako sa mga magulang ko sa pagsasaka pero ngayon po andito rin kasi ako sa Maynila para sa training ko sa pagsiseaman."

"Seaman... isa panibagong bayani in the making. Okey. Roland, nabalitaan namin na kaya rin pala kayo super close nitong si Rya kasi single father ka. Asan na yung nanay ni Rya at kamusta naman ang relasyon niyo?"

Napayuko ako. Pambihira bakit kasi hindi ko tinignan yung mga set of questions kay Roland. Padedelete ko yang tanong na yan!

"Ang totoo po niyan, na null and void po ang kasal ko sa nanay ni Rya. Baby pa lang po siya non. Pero okey naman. po kami."

"Pwede ba naming malaman kung bakit kayo naghiwalay? Nambabae ka pa?"

"Naku hindi po ako nambabae. Hindi ko po kayang gawin yun sa nanay ni Rya."

"Uy may hugot yun, mahal pa." napailing ako.

"Am opo. Mahal ko naman talaga yung taong yun at may respeto ako sa desisyon niya na iwanan kaming mag-ina sa Davao para rin naman sa kinabukasan ni Rya at sa mga pangarap niya."

Napa-ahhh ang mga tao sa sinabi ni Rya.

"So yung babae yung nakipaghiwalay sayo. Wala ka pang galit na nararamdaman sa kanya dahil iniwan niya sayo ang responsibilidad na alagaan ang anak niyo."

Umiling si Roland, "Hindi naman po siya iresponsableng ina. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya umalis para rin yun sa kinabukasan ni Rya. Dahil din naman sa kanya nakakapag-aral sa magandang eskwelehan si Rya at nabibili ang gusto niya. Good provider naman po siya. Actually kaya nga po ako aakyat ng barko dahil nahihiya na ako sa kanya, mas madami siyang binibigay kesa sa akin. Saka...." napatingin sa akin si Roland, "Mahal ko po yung taong yun. Kaya kung anong gusto niya at kung anong sa tingin niyang dapat susuportahan ko siya. Kahit pinili niyang iwan niya ako."

Hindi ako makahinga sa sinabi ni Roland. Napainom ako bigla ng tubig at na-straight kong ubusin ito.

"Hindi ka lang palang kahanga-hangang ama kundi kahanga-hanga rin pagdating sa pagmamahal." ang sabi ng mga press sa kanya.

"Miss Victoria."

"Yes."

"Bilang head ng project. How do you come up with the idea of fatherhood. Ano ang naging inspirasyon mo sa concept na ito?"

Nagbuntong hininga ako bago sumagot.

"Nakuha ko ang concept ko dahil sa isang tao na naging bahagi ng buhay ko..."

VICTORIA'S SECRETSWhere stories live. Discover now