Chapter 14 : Hang-over ni Kathy :)

86 7 0
                                    

A/n : Yea , late update naman po :D hahaha , pasensya na poo ^_^ Nga po pala , I'm planning to change the title of this story. Kasi po everytime may magtatanong na " Uy , anong story mo ? " Tas sasagot ako ng , " Salamat Sa Pananakit Mo " at tatawa lang sila and I felt it weird. The title and prologue lang po yung maiiba :) So just freely suggest your Desired Title in the comment box :D ^_^

——————————————————————————————————————————————————————————————————— 

Kath's POV

Haaay ! Ang ganda naman ng tulog k—ARAAAAY ! Ang sakit ng ulo ko. Hindi pala maganda yung tulog ko kasi nagkahang-over yata ako. Ang naalala ko lang eh pumunta kami ni Bessy sa Bar at umupo kami sa round table kasama yung ibang friends niya at pinainom nila ako ng tequila. Yun lang. Yun lang yung naalala ko. Pero paano ako nakauwi samin ? Hala ! Baka nalaman ni Mama !! Patay :( Baka sabihin ni Mama na bad influence si Bessy sakin :( Waaah , huhuhu . Patay akoa nito. Sige na nga , babangon na ako para makapagexplain na din ako kay Mama.

*TOK TOK TOK*

Bumukas ang pinto at may pumasok n—

" Oh , gising ka na pala. Masakit pa ba yung ulo mo Kath ? Ba't ka ba umiinom ng mag-isa ha ? " sunod-sunod na tanong ni Deejay sabay lapag ng dala niyang tray na may laman na isang tasa ng hot chocolate at 3 slices ng sliced bread.

" D-daniel ?! An-anong nangyari ?! Ba't andito ako sa condo mo ?! " Oo , condo kasi ayaw niya daw tumira dun sa kanila eh ! Not in good terms sila ng papa niya ewan ko lang kung bakit , ayaw niya din naman sabihin kaya hindi ko na lang siya pinilit. At nakwento niya ito noon kaya alam ko. Baka kung ano na yung isipin niyo :P Hahaha xD

" Isa-isa lang okay ? Chill lang Kath. Wala naman akong ginawang masama sayo kagabi eh. Tas ako yung nagtatanong sayo tas sinagot mo din naman ako ng tanong. " at bahagya siyang tumawa.

" Ah okay , ako muna ang sagutin mo okay ? Pasensya na , nadala lang kasi ako. PERO ! BAKIT AKO NANDITO SA NANDITO SA CONDO MO CHRISTIAN DEEJAY GARCES ! ANONG NANGYARI KAGABI ?! "

" Chill nga lang Kath eh ! Nakakatakot ka naman ehh ! Nalasing ka kagabi okay ?! Nakita kita dun sa Giraffe bar ! Tas nakita kung hinahalikan ka nung g*gong yun sa leeg mo ! Alam mo ba yun ?! Diba hindi kasi nga lasing ka ! Tinake-advantange nung g*gong lalaki yun ang kalasingan mo ! "

      Nashock ako sa mga nangyari. Kasi naman ehh , ay basta ! Ngayon ko lang din nakita si Deej ng sobrang galit. Sobrang pula na nung mukha niya at ng tenga niya..

      Napayuko na lang ako sa mga narinig ko. Waah ! Nabubuo na yung mga luha ko sa gilid ng mata ko at kunti na lang papatak na ! Waaaaaaaah ! Sobrang traydor ng mga luha ko. :(

" Ba't ka ba umiinom ha ?! Paano... Paano kung hindi ako dumating ha ? Saan ka na ngayon ? Baka na galaw ka na nung lalaking yun Kath. Baka may nangyari ng masama sayo Kath. " naramdaman kong lumapit siya sakin at hinawakan yung baba ko para iangat at patuloy parin sa pagpatak yung mga luha ko. Nakikinig lang din ako sa mga sinasabi ni Deej sakin.

" Huwag kang umiyak please ? *sabay hinalikan niya yung mga luha* Nag-aalala lang naman ako sayo Kath eh. Sorry na okay ? Hindi ako galit , nag-alala lang talaga ako sayo. Alam mo naman diba ? "

      Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko din naman masisisi si Deejay eh , kita naman sa mukha niya yung pag-alala.

" Shh , huwag ka ng umiyak okay ? Tapos na yun. Nandito lang ako parati sa likod mo. Tahan ka na Kath. " at yinakap lang ako ni Deej. Ilang minuto din kami sa pag-aayakapan hanggang sa tumahan ako. Mula sa mga sinabi niya , pakiramdam ko sobrang ligtas ako sa mga yakap ni Deejay sakin. I feel so safe with him.

Salamat Sa Pananakit Mo [ KathNiel Story -- Ongoing]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora