Synopsis

116 4 2
                                    

Lawrence Sandoval.

That's my name. I'm a plain-looking simple guy who hopes na makapagtapos ng pag-aaral to support myself. To say that para makawala ako sa hawla na tinatawag kong 'bahay' namin is a pretty big fact reason why.

And nope, I don't have any conflicts with my parents pero kaseeee... alam mo yung bente anyos kana pero tipong di ka parin makapagdesisyon para sa sarili mo? Bruh, it sucks.

I'm living a good life actually. I have both capable parents and I owe both of them the life that I have right now because di ako naghihirap... It's just that nasasakal lang siguro ako sa pagiging overprotective nila?

I have not been in good health since young and labas-masok sa ospital but now, I'm fine. I guess?

I have to be. Tsk.

So yun nga, if you're an Asian, you'll understand what I mean.

Currently, I'm at the library right now, naghahanap ng reference books for my assignments. I'm a second year college by the way, taking up managerial courses and hopefully, pagkatapos ng another two years, makakalayas na 'ko.

I can't wait oh my god.

"Law, hello~ Kanina ka pa ba?" I look up to see the beautiful face of my best friend, Emyria.

"No, I also got here just now." Two hours na po akong nandidito.

:)

Naiiyak talaga ako pag nakikita ko mukha nito. Ganda e. Tipong di ka magsasawa at di maaasiwa tignan mukha n'ya kase simple lang s'ya, mabait, maayos manamit— jusko anghel po.

It's really not a wonder na naging isang campus crush s'ya dito sa university namin. Bukod sa maganda, matalino din talaga s'ya. Pambato namin pag may debate events.

I did say I'm a guy right?

Yep, I clearly remembered saying that.

To have the Emyria Jane Miraldes as a best friend is a big toll for me. Bakit? Edi syempre, pagkakamalan kaming dalawa na magjowa. Linya-linyang lalake ang nag-aabang sakin mula sa labas ng campus para tanungin kung ano ba kami.

Goodness.

Emyria Jane is pretty, I can't deny that as a guy. Maganda talaga po s'ya pero there's a side of her na na-turn off po talaga ako ng major-major.

Ampangit po ng taste n'ya sa lalake

I also said that naiiyak ako pag nakikita ko pagmumukha n'ya diba? That is the reason. May boyfriend po si babae na akala mo e shutanginang model na ang totoo naman puro pa-cute lang ang alam.

Baka gawin kong model ng Saint Peters lalaking yun pag nachambahan ko. Parang natutulog lang ganun.

Naiinis talaga ako pag naiisip kong sa kanya napunta tong best friend ko. Parang ginayuma ata ng hinayupak na yun dahil sobrang patay na patay sa kanya. Kala mo katapusan na ng buhay n'ya pag nahiwalayan s'ya.

Wala namang pake sa mga lalake 'tong babaeng 'to noon, ewan ko ba't nung makilala n'ya ang pesteng yun e para s'yang na-ulol.

Kung ako tatanungin, mas boto ako dun sa campus heartthrob namin para sa kanya. Which is, by the way, five years nang nanliligaw sa kanya, simula palang noong nasa junior high palang po kami. Saksi ako sa paghihirap ng campus heartthrob noon para lang maka-usap 'tong babaeng 'to.

E kaso nga, blags.

Tali-talino pero nagiging obob sa pag-ibig. Gusto ko nalang talaga magsaksak ng sarili.

Para Kang Tanga (Not An Official Title)Where stories live. Discover now