-Chapter 2-

11 4 1
                                    

Rhinowa's P.O.V

"Antonnette!"

Ay anak ng lobo!

"Ano bang sinisigaw-sigaw mo dyan?!"inis na tanong ko kay Ophelia.

Tatlong oras na ang nakalipas matapos ang seremonya at nandito kami para sa kasiyahan na mukang di naman magiging

Kababalik ko lang halos at nagpapahinga na Pero etong Ophelia maka sigaw akala mo nakalunok ng mic.

"Nakatingin kase sila sayo."bulong nya at paglibot ko ng paningin ko at tama nga sya..Lahat sila nakatingin samin.

"Panong hindi titingin eh sumigaw ka."sabi ko at tumayo para pumunta sa gawi ng mga pagkain.

"Uy,gutom ka na sawakas!"natatawang sabi ni Jake na Gamma ng Dark Serpent Pack..

"Talagang hinintay mo kong magutom ano?"sarkatikong sabi ko bago kumuha ng isang basong wine at uminom pero naibuga ko rin agad dahil lasang dugo..

"Pesteng yawa..Iba pala tong nakuha ko."sabi ko sabay lapag nung baso at kinuha yung isang baso ng wine na sigurado kong wine na dahil naka hiwalay toh mula sa ininuman ko kanina.

"Bat kase di mo muna inamoy,Rhin?"takang tanong ni Chin na Luna ng Black Replica Pack.

"May sipon ako."pagsisinungaling ko

Di ko naamoy agad dahil mas nanaig yung uhaw ko.

"May sipon daw eh naamoy yung Wolfsbane kanina!"natatawang sabi ni Chin.

Di ko na lang sila kinibo at kumuha ng isa pang wine glass bago iwagayway ang kamay ko at umalis.

Babalik na sana ako sa table namin kaso may kausap ng lalaki si Ophelia nakakahiya naman sa kanila magiging third wheel pa ko kaya lumihis ako papunta dun sa mapuno na part.

Ang sakit pa naman ng likod ko feeling ko may rayuma ako..

"Muntik na ko kanina."bulong ko nung makalayo sa lahat.

Kanina muntik na nila malaman ang tinatago ko pesteng yawa wala sa plano ang pagbunyag ng pinakalilihim kong sikreto sa madlang people.

-FLASHBACK-


After tapping my ears Knoxx takes over so I excused my self to get out of the scene and go somewhere far from them.

Bleeding means you're weak so I don't want them to see me bleed.

"Uy,ayos ka lang?"Biglang tanong nitong pesteng yawa na si Gino na bigla na lang sumusulpot sarap batukan sa ngala-ngala.

"Oo,kulang lang sa tulog."sabi ko at napabuntong hininga pero di nakaganda sa kalagayan ng likod ko ang pagbuntong hininga dahil mas naramdaman ko ang sakin non.

"Kuha kita ng gamot?"tanong ulit ni Gino pero umiling lang ako.

Gino Arjay Revenue ang Isa sa pack members namin ni Knoxx..Mabait kaso madalas nasa outer space ang isip.

"Iwan muna kita,Beta Rhin."sabi nya bago lumuhod at nag shift.

His wolf is color brown with a mix of black.

Siraulo sa harap ko pa nag shift.

"Sino naman kaseng mag e-enjoy sa kasiyahan kung masakit ang likod?"bulong ko

May naramdaman akong tumulo sa magkabilang tenga ko kaya agad ko itong tinakpan.

Blood

Saktong pagtakip ko nang mga tenga ko ay may narinig akong nakabibinging sigaw.

Ang sigaw na paulit-ulit kong naririnig at ang sigaw na hindi na matanggal-tanggal sa memorya ko.

-END OF FLASHBACK-

Hindi ako sang-ayon sa pag inom ng gamot dahil simula pagkabata ay kaaway ko na talaga ang pag inom ng gamot at pakiramdam ko imbes na pagalingin ako nang gamot na umiinom ko ay sa tingin ko mas pinalalala nito ang nararamdaman ko.

Wala lang talaga akong choice..Kundi ang sumunod.

Sa totoo lang kahina-hinala yung itchura ng gamot then later on nalaman ko na lason pala yon gagi.

Pwede naman nilang sabihin na ayaw nila akong gamutin kaso sabi nila mas makakalakas daw ng immune ko yon..

Pano nakalakas nang immune ang lason aber?

Then habang tumatagal unti-unti nang nasasanay yung katawan ko.Nung mga unang inom ko kase parang dinudurog yung mga buto ko tapos ubo ako ng ubo ng dugo.Anemic na nga ako tapos ubo pa ko ng ubo ng dugo edi kamusta naman katawan ko non.

Kontra sila Knoxx dun pero mga minister na ang nagsabing makakabuti yon.Ayaw naman naming masira kami sa ministers dahil malaking parusa ang kapalit nun.

"Hoy,tulala ka na naman.""sabi ni Knoxx na hindi ko man lang naramdaman kung kailan sumulpot sabay batok sakin.

Pakiramdam ko humina senses ko..Ni-hindi ko sya naramdaman na lumapit sakin..In this case pwede akong mapatay nang biglaan.

"Makabatok ka! Gold ka ba!"inis na sabi ko sabay gulo ng buhok ko.

Tinawanan nya lang ako bago ako tulungang mag ayos ng buhok.

Nakasunod kase agad tong yawang toh akala mo naman magkadikit bituka namin.

"Bigla ka kaseng umalis tapos naabutan kitang tulala dito..Ano ba kaseng iniisip mo?"takang sabi nya sabay agaw sa kopitang hawak ko.

Kita mo nang-agaw pa (•_•)

"Iniisip ko kung pano ka papatayin."seryosong sabi ko pero tinawanan nya na naman ako.

Imagine we've been friends since we're kids and since then we always tried to kill each other.

Pero wala naman talaga kaming planong tuluyan ang isa't Isa sadyang baliw lang kami.

"Sabi ng new section mo sakin hinahanap ka raw nang former section mo yung section B ba yun?"Sabi nya sabay lagok sa wine.

Section B is the former section where I belong..A section full of boys then they betrayed me so technically I don't belong there.

I'm now a member of section G..The most annoying section of the W.C Academy..

It's also an all boys section kaya annoying talaga pero mas maasahan sila kesa sa mga traydor na kasama ko dati..

"It's unusual for them to look for me hahaha the traitors are looking for their prey again..As if I'll let them."sarkatikong sabi ko.

"Why don't we play a game?..My dear beta"Sabi ni Knoxx sabay sandal sa puno sa gilid ko.

"And what kind of game is it,My dear alpha?"nanunuyang tanong ko.

Pag talaga may dear yan ibig sabihin may naiisip na naman syang kalokohan at kasama ako don.

"Human hunting?"suhestyon nya.

"Eh,human hunting? Alam mong hindi natin pwedeng pakialam ang mga tao kaya nga nakabukod sila satin eh..Engot ka ba?"sarkastikong sabi ko.

"No,Hahaha I mean yung style nang human hunting alam mo yun diba?"natatawang sabi nya sakin.

"Ah,like kill the prey to become a predator."

Mate of the vampire kingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora