Chapter 41 "I WISH I CAN HUG YOU LOVE"

1.6K 76 0
                                    

“I WISH I CAN HUG YOU LOVE”

SKY POV;

Nandito ako ngayon sa Mall kasama si Kath may gusto kasi akong bilhin eh saka binigyan naman ako ni Kuya Jack ng Pera pero diko toh igagastos lahat 5,000 nga binigay baka nga di ko toh maubos eh.

Kung makabigay naman si Kuya Jack Parang di nauubusan ng Pera hmp diko rin naman nagagamit yon Credit card na Binigay sakin ni Kieffer.....

Magdadalawang buwan na si Baby ko hehe saka excited ako kasi sabi ni Kuya paghahandaan daw nila eheh.

“Ano bang gusto mong kainin Sky?”Tanong ni Kath habang naglilibot kaming dalawa wala akong mapili eh ang gagawin lang namin dito kakain mwhehehe.

“Kahit ano na lang”Nakapout kong sabi at nilibot ang tignin kakadating lang namin ehh.

“Doon na lang masarap don!Nakakain nako dyan gusto mo?”Sabi ni Kath at tinuro ang isang restaurant na may pagka mahal hmp 5,000 lang dala ko.

Magsasalita sana ako kaso biglang nahagip ng mata ko sila Andrew nasa Restaurant din sila na tinuro ni Kath kitang kita ko sila dahil malapit sila sa pinto.

A-anong ginagawa nila dito?Napatignin ako sa tyan ko Andyan si Aliyah ehh.

Kapag nakita nila ako tiyak na magtatanong sila at lalapit hayss.

Napatignin agad ako bigla kay Kath ng hinila niya ako ng may pagiingat kaya nagpahila na lang ako wala na rin akong magawa dahil gutom narin kami ni Baby.

Pumasok kami sa loob pero diko dinadapo ang tignin ko kila Aliyah.

Na busy sa pagkain nahalata rin naman ata yon ni Kath kaya di niya narin pinansin.

“Maghanap ka na ng Upuan Ccr lang ako”Sabi ni Kath kaya tumango ako at humanap ng Upuan pero minamalas ka nga naman oh Sa tabi ng mesa nila Aliyah lang ang bakante huhu.

Nakita kong napatignin sila sakin kaya ngitian ko sila ng pilit at lumapit sa pwesto na nay bakante pa na upuan.

Walang upuan na matatakpan yon mukha mo tapos likod mo uwaahhh.

Umupo ako ng may pagiingat at kinakabahan ewan nanginginig ako.

Kasi sila nakatignin sakin ehh, silang 11 wala sila Kate at Anastasia.

May lumapit sakin na Waiter wala pa kasi si Kath tagal tumatae naba yon?.

“Good Afternoon Ma'am”Sabi nun lalaking waiter ngitian ko siya ng ibigay sakin ang menu.

Bago ko tignan ang menu tumingin muna ako kila Andrew nakatignin silang lahat sakin waaahhh blanko ang tignin nila at nakatignin sila sa Tyan ko.

Alam naba nila ayys ano bang pinagiisip mo Sky malamang oo malaki na nga tyan mo eh!May umbok na!.

Ngitian ko sila ng pilit at binuklat ang menu at nagpili ng makakain waahh ang mamahal bhee mga 3,000+, 4,000+ may 5,000 pa eh Maliit lang dala ko waahh bat kasi dito pa naisipan ni Kath?.

Napatignin ako bigla ng may umupo sa Harap ko Oo sa harap ko kaya nga kita ko sila Andrew eh di ako tumalikod sa kanila baka sabihin nila akong Feeling famous kapag diko sila pinansin.

“Oh may napili kana?”Nakangiting sabi ni Kath nagpout ako at umiling kinuha niya ang Menu sa kamay ko nagpili siya don kaya hinayaan kona.

Nakayuko lang ako habang kausap na ni Kath yon Waiter.

Maya maya kinalabit ako ni Kath kaya napatignin ako sa kanya hinihintay ko kasing umalis sila Aliyah naiilang ako tagal na kaya namin di naguusap saka di narin ako pumapasok, Di pa sila nakakaalis nandon pa sila Habang nagkwekwentuhan pero nakatignin sakin si Sevi at Jasper waahh

Rent As Girlfriend (Season 2) (Complete)Where stories live. Discover now