Saying Goodbye While Waving Hello

246 23 27
                                    


All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the written permission of the author.


DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, places, incidents, and the like are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Note: This is just a short story (with a limited word count). An entry for and eventually won the WattpadRomancePH's contest, Begin With The End.


Date Posted: January 07, 2022

Date Written: January 06, 2022


Don't forget to vote, comment, and share. Enjoy reading!


***


"Aba, Gretel! Ano namang pumasok sa utak mo at hindi ka rito sa bahay magce-celebrate ng new year?!"


Pumikit ako ng mariin dahil alam kong mahabang lintaya ng sermon na naman ang maririnig ko mula kay Mama. Though, I understand. Hindi kasi ako nakapagpaalam ng maaga. Nalaman nalang nilang aalis pala ako nang makita nilang inaayos ko ang mga gamit ko ngayon sa maleta.


"Ma, regalo lang sa 'kin 'yong ticket," I lied. "Sayang naman kung hindi ako tutuloy. At saka, ilang araw lang naman. Babalik naman ako agad sa 3."


Hindi regalo sa 'kin 'yong ticket, ako mismo ang bumili nun. It's just that wala akong choice sa date. Sa new year lang kasi talaga may event do'n sa islang pupuntahan ko. Ano pang aabutan ko ro'n kung after new year pa ako pupunta, 'di ba?


"Basta! Hindi ako payag na umalis ka!"


"Ma, hindi naman ako nagpapaalam. Ini-inform kita."


Pabiro niya akong hinampas pero medyo napalakas 'yon ng hindi niya sinasadya. Volleyball player kasi 'to noong araw! "Wala ka ng respeto sa amin ng papa mo?"


"'To namang si Mama, 'di mabiro." I chuckled. "Syempre, hindi mawawala ang respeto ko sa inyo ni Papa, 'no. Nakalimutan ko lang talagang magpaalam ng maaga. Sorry na."


Umupo siya sa tabi ko at saka bumuntong hininga. "Aalis ka ba talaga dahil sayang 'yong ticket o dahil gusto mo lang makalimot sa sakit?"


"Ma naman... Sayang 'yong ticket!" I rested my head on my mother's shoulder. "Pero syempre, gusto rin namang makalimot sa sakit. Perfect timing, isn't it?"


Tangina, halos tatlong taon... Syempre, hindi ganoon kadaling kalimutan 'yon. Akala ko nga kami na hanggang sa dulo, e. Nakalimutan kong marami palang plot twist ang buhay. 'Expect the unexpected,' sabi nga nila.

Saying Goodbye While Waving HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon