P R O L O G U E

10 4 0
                                    



I KNOCK the door waiting to someone open up. After a minute the door open and ate Sel came in front and smiled at her.

Ngumiti din siya..."Kayo po pala, mam Jade".

Pagkapasok ko luminga ako sa paligid dahil masyadong tahimik bago ko siya hinarap muli.

"Bakit ikaw ang nagbukas ng pinto? Asan si Ate Chai?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, andon sa kusina po mam may ginagawa kasi kaya ako nalang nagbukas."

"Ah, ganon ba, okay."

"Opo mam". Magalang na sabi niya.

"Where is she?" Sabi ko at kahit diko tanungin ang pangalan kung sino ay alam na niya ang tinutukoy ko.

"Ando'n sa kwarto nya mam, natutulog."

Tumango..."Okay, pupuntahan ko muna sya." Aalis na sana ng magsalita siya.

"Ah! Mam!"

"Yes?"

"Why? Is she okay? There's something wrong?" I'm worried.

"Opo, mam...pero mga nitong nakaraan kasi ang tamlay nya, siguro po ay dahil ang tagal mong hindi nakabisita sa kanya. Ngayon lang kayo natagalan ng sobra mam, kaya ganon."

I sighed..." Yeah, sobrang busy lang ate, kahit gustuhin ko mang araw araw akong pupunta dito diko pa rin naman magawa."

"Sobrang hirap naman po n'yan mam. Naawa ako sa kanya, hindi ka niya laging nakakasama. Hindi nyo parin po ba nasasabi sa kanila?"

Umiling ako..."Hindi ko pa alam kung paano, naghahanap pa ako ng tamang panahon."

Tumango siya..."Pasensya na mam kung ang daldal ko."

"It's okay ate, nagpapasalamat pa nga ako sa'yo eh sa lahat ng ito, kundi din dahil sayo baka hanggang ngayon konsensya lagi ang dala-dala ko, sige ate puntahan ko lang muna siya." Nginitian ko muna siya bago ko pinuntahan ang kwarto niya.

Pero bago ko siya iniwan sinabihan ko muna siya puntahan ang kotse ko at kunin ang mga pinamili ko..."Pakidala nalang sa kusina kayo na ang bahala don."

"Opo, mam." Tumango siya at umalis na din.

Nag grocery muna kasi ako bago ako dumiretso dito.



Binili ko ang bahay nato para lang sa kanya at para na rin safe siya, lingid man sa kaalaman ng lahat. Maliit lang sya sapat lang para hindi sya lumabas at doon maglaro.

Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit at binuksan ang pintuan. Maayos ang mga gamit pero nakabukas naman ang tv kaya pinatay ko muna ito bago ko siya pinuntahan sa higaan niya.

I genuinely smiled when I look at her beautiful face while hugging her favorite tuff toy. I placed my bag in her bed side table.

Hindi ko aakalaing mararamdaman ko to, hindi ako handa sa ganito noon, nagkasala pa ako sa kanya dahil sinubukan ko siyang walain sa tiyan ko at lalo na sa buhay ko dahil lang isang pagkakamaling nagawa ko.

Kundi dahil kay Ate Sel, di'ko maranasan to. Nakita niya ako at napigilan at kung ano anong sinasabi sa'kin na nagpalinaw ng isip ko at pananaw sa buhay at siya lang din at nakakaalam ng lahat ng nga ito. Gusto man nyang sabihin ang tinatago ko para may karamay ako pero nirerespito niya ang desisyon ko at hihintayin nalang niya ako na ako mismo ang magsabi sa kanila.

Katulong siya sa bahay namin pero kinuha ko siya upang mag-alaga sa kanya. Pinalabas lang namin na kailangan nyang umuwi sa kanila dahil matagal na syang hindi umuuwi doon at hindi pa alam kung kailan babalik kaya sinabihan ko nalang siya na mag resign at dito siya ililipat. At pumayag kaagad siya dahil narin wala akong ibang mahihingan ng tulong nong time na 'yon kundi siya lang, dahil siya lang din ang may alam ng sitwasyon ko.

I caressed her smooth hair and kissed her forehead. She's in deep sleep hindi man lang niya naramdaman ang hawak ko.

"I'm sorry baby, If you waited this so long, ang dami lang ginagawa ni, mommy" mahinang sabi ko sa kanya habang patuloy paring hinahaplos ang buhok niya.

"Don't worry, Mommy will make it up to you, hmm... I promised that." Nanatili ako sa tabi at walang balak na gisingin siya dahil narin sa sobrang himbing ng tulog niya.

Biglang nag ring ang phone ko kaya dali dali ko itong kinuha dahil baka magising.

"What?" Agarang sagot ko ng makita ang kapatid ko ang tumatawag pero sa mahinang boses lang.

"Umalis ka na naman?! Iniwan mo pa ang trabaho mo! Ano? Ako na naman ang tatapos nito? Ang sarap n'yong pag-untuging dalawa ni Celest. Iniwan niyo nalang sa'kin ang pamamahala dito!" Singhal niya sa'kin.

Natawa nalang ako at nakinig sa mga reklamo niya.

"Pwede ba Ate kumalma ka muna. Babalik din naman ako." Halos bulong na sabi ko sa kanya.

"Aba't---! When? 1 day? 2 days? 3 days? o buong week na naman? At saka teka nga? Ba't bumubulong ka d'yan? Asan ka ba?"

Kinabahan tuloy ako..."Wala pagod lang ako, kaya nga umalis muna ako d'yan at pansamantala ko munang iiwan sa'yo." Sinusubukan kong paniwalain siya at nadala naman.

"Ayy ayonnn!!! Ang bait bait ko talaga." Sarcastic pang sabit niya.

"Sige na ate, magpapahinga muna ako, ikaw muna bahala d'yan babalik naman ako palagi, hindi naman ako gaya ng isang kapatid natin d'yan na hindi na talaga niya binalikan at may tinangay."

"Oh buti alam mo, o siya sige na, ibababa ko na to at tatapusin ko na ang INIWAN MO!" sigaw inya. Napailing nalang ako at natawa sa kanya.

Todo reklamo pero tinatapos parin naman.

"hmmm." Napalingon ako ng gumalaw siya.

"Sino 'yon Jade? May kasama ka?" Napabaling ulit ako sa phone na akala ko binaba na niya.

"A-Ah wala ate, pusa lang 'yon, sige na byee!" Binaba ko agad ang tawag, baka may marinig pa ulit.

Kay cute naman na pusa ito, ng tingan ko siya ulit akala ko magigising na siya pero mukhang false alarm lang.

_________________________________________
___________

The Golden Sunset [Casa Villa Series #3] (ON-GOING)Where stories live. Discover now