Jaimey

16.8K 2.9K 51
                                    

Ate Jen,



Hindi ko alam kung matatawag po ba itong problema. May boyfriend po ako ngayon at okay po kaming dalawa. Mabait po sya, maalaga, lahat po ng gusto ko ay binibigay nya at parati po syang nandyan para sa akin. Mag iisang taon na po kami at isa po sa mga nagustuhan ko sa kanya noon ay di po sya aggressive kaya ramdam na ramdam ko po na mahal na mahal nya ako. Pero po sa sobrang di nya pagiging agresibo ay nagkakaroon na po ako ng duda. Masyado po kasi syang perfect gentleman. Yung best friend ko po kasi kapag naggi-girl talks po kami ay kung ano-ano na po ang kinukwento. Hindi pa rin naman nila ginagawa ng boyfriend nya pero hindi lang sila holding hands at kiss sa cheek tulad namin ni boyfie. Ayaw ko po syang pagdudahan pero naisip ko kung may problema ba kaming dalawa kung hanggang dun pa lang ang naabot namin. Pumasok na rin sa isip ko na baka may iba sya kasi imposible namang ang isang nineteen years old na lalaki ay hindi man lang maghahangad kahit first base man lang. Okay naman po kami pero napaparanoid na po ako. Naisip ko pong baka bakla sya o baka hindi ako desirable para sa kanya.



Jaimey



Dear Jaimey,

Hm... 'yan talaga ang unang reaksyong pumasok sa utak ko. Hm. Siguro kaedad mo lang s'ya, ano? Hindi mo kasi nabanggit 'yung edad mo so I'll just assume that you're nineteen years old, too. Others might think that it isn't a big deal if your boyfriend doesn't show any sign that he finds you desirable. It is a big deal. Not only among adolescents but also among mature couples.

One's desirability is often seen as a sign that a relationship is going strong. But let me define desirability first. I'd like to categorize desirability into tangible ang intangible (parang assets ito sa accounting). Ang tangible ay 'yung panlabas na anyo ng isang tao tulad ng kulay ng balat, tangos ng ilong n'ya, ganda ng buhok n'ya o kahit tangkad at timbang n'ya. Mga katangiang nakikita. Pero, depende pa rin kung anong klaseng environment ang kinalakihan mo. Halimbawa, may mga kaibigan akong lalaki na naa-attract sa mga babaeng mahahaba ang buhok. Meron namang natutuwa sa mga babaeng maiigsi lang ang buhok dahil sensyales daw ito na hindi high maintenance ang babae.  Meron akong mga kaibigan na mahilig sa matatangkad at meron din namang mahihilig sa di katangkaran. Tulad ng sinabi ko ay depende ito sa tao at iba-iba ang perception ng tao pagdating sa kung ano ang physically attractive.

Ngayon, hindi lang nakalimita ang desirability ng isang tao sa physical traits n'ya – meron din tayong tinatawag na intangible desirability – usually d'yan nabibilang 'yung sense of humor, sense of adventure, intelligence, tolerance for bullshit etc. At tulad ng pisikal na anyo ay depende pa rin ito sa tao.

Ang tingin ko ay tangible desirability ang hanap mo. Gusto mong iparamdam ng boyfriend mo na maganda ka, kahalik-halik, kayapus-yapos at kabigha-bighani. Natural lang 'yun. Kanino ka pa ba maghahanap ng affirmation mo of attractiveness kundi sa taong nagpagod mapa-oo ka lang? Pero, hindi rin sapat na dahilan na hindi ka n'ya nilalandi para pagdudahan mo ang pagmamahal at respetong binibigay n'ya. Ikaw na rin ang nagsabing mabait s'ya, maalaga at sunod ang luho mo sa kanya. Ang unfair naman na susukatin mo ang pagkatao at pagkalalaki n'ya kasi hindi ka n'ya minamanyak.

Maswerte ka nga kasi hindi lang pala pangkama ang tingin n'ya sa'yo. Maswerte ka kasi maraming babae ang kulang na lang ay itali ang mga underwear 'wag lang matanggal ng mga boyfriends nila. At daig mo pa ang nanalo sa lotto kasi hindi mo maririnig sa boyfriend mo ang ka-bullshitang – kung mahal mo ako ay bubukaka ka. At kapag nakarinig ka ng ganun, aba, bayagan mo kaagad.  'Yung mga gan'ung tipo ng lalaki ang dapat hindi na pinaparami ang lahi.

Sa tingin ko rin it's not because your boyfriend doesn't find you attractive. Hindi rin naman siguro s'ya bakla or else you would have noticed (kaya di ako naniniwala kay Carmina n'ung sinabi n'yang she never saw signs from Rustom that he would rather be with men than with women. But I applaud her for being decent and polite enough to say what she said on national television). Because believe me, you would know and you would notice. In the same way that you'd know that you are being played a fool. May ganyan tayong mga kapangyarihan pero kadalasan ay 'di nga lang natin pinapansin.

Hindi rin naman siguro s'ya namamangka sa dalawang ilog. Unless, matinik sa time management itong si boyfriend at keri n'yang maging mabuting jowa sa'yo, maging isang estudyante, isang anak, isang kapatid, isang kaibigan at mambola ng ibang babae at the same time. Pero, sabi mo nga ay parati s'yang nand'yan para sa'yo (and if we go by women's definition of parating nand'yan ay halos 24/7 ito, yes, ganyan tayo ka-clingy), so that's out of the question.

Jaimey, being in a relationship is not tantamount to being sexually active. Hindi parehas 'yun. Kadalasan 'yun ang nakikita at nababasa natin kaya tuloy nai-equate natin ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend sa paglalabas ng init ng katawan. Hindi iyon gan'un.

Being in a relationship is enjoying each other's company, laughing at each other's quirkiness, listening to each other's drama and holding each other's hand when there are problems. Being in a relationship is like getting a best friend who tells you constantly how loved you are. Being in a relationship is finding this one person who makes you want to be a better human being.

Tulad ng sinabi ko ay importante ang desirability sa isang relasyon, pero, hindi d'un umiikot lahat. Siguro, yung pagiging sweet in a General Patronage way ng boyfriend mo is his way of telling you just how desirable you are. This guy is treating you like a queen, do not demote yourself by desiring to be treated like a porn star.

May be your boyfriend isn't ready. May be he thinks you aren't ready. Whatever his reasons are, respect and love him more. This guy doesn't just see your boobies, he sees a future with you. You're one hell of a lucky girl.

Good luck and advance happy anniversary to both of you.

Ate Jen

Plugging:


One Message Received (Sebastian and Sapphire's Story) and Said I Loved You (Nickolai and Lee Ann's Story) book-launching and book-signing event on April 18, Saturday, 2PM at Precious Pages - SM North Edsa. See you there!

Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon