CHAP 1 [Campo del Echor]

30 2 9
                                    

Chapter 1 [Campo del Echor]

–Frost's Pov–

“Frost” Napalingon ako sa tumawag nang pangalan ko at gulat kong sinalo ang arnis na hinagis sa’kin ni Kenji.

“Mag laro tayo,” sambit nito sabay hampas sa bandang t'yan ko, dahilan upang mapaluhod ako at mapadaing sa sakit.

“Argh! fvck!” Daing ko rito, agad din naman akong tumayo. Sa kabila ng sakit na iniinda ko.

“Walang kwenta.” Natatawang saad nito, habang may halong pangaasar sa mukha nito. Sa sobrang bilis niyang kumilos, paano ko siya matatapatan? Kung siya'y ganap na bampira, paano naman akong...

“Hoy!” Nabalik ako sa wisyo ng may isang arnis na sanang tatama sa'kin. Sa sobrang bilis nang pangyayari, nakita ko nalang ang mabilis na pagsalo ni Elle sa paparating na arnis ni Kenji.

“What is the meaning of this? Alam mo namang wala pa s'yang kakayahang lumaban sa'yo.” Elle's cold voice filled the training area. Naging sanhi ito ng pagpapawis ni Kenji at agad na umiwas ng tingin kay Elle at diretsong napatingin sa'kin nang masama.

Tila ba may ginawa akong pagkakamali.

“You're not like us. And you will never be.” Huling sambit nito bago siya tuluyang lumisan.

Ang mga linyahang yun, hindi na bago sa'kin. Yun lang naman ang madalas kong marinig sa kanila tuwing nagsasanay kami...

“Frost, pssst Frost!”

Inis naman akong napalingon kay Kiel na kanina pa ako pabulong na tinatawag.

“Ano na naman ba yun?” Kunot noo kong tanong na may halong pagkairita. Magsasalita pa sana ako ulit kaso laking gulat ko nalang nang higitin niya ako papasok sa kwarto ko.

“What?” Tanong ko rito habang may halong taka at iritasyon. Magsasalita na naman sana ako ulit kaso agad niya akong pinatahimik at dahan-dahang nilapit ang bibig niya sa bandang tenga ko.

“Lalabas tayo ng campo mamayang gabi.” Pabulong na saad nito na mas lalo kong ikinagulat. Ang paglabas nang campo ng walang permiso ng pinuno ay mahigpit na pinagbabawal.

“Nababaliw ka na ba talaga Kiel? Alam mong hindi pwede 'di ba.” Sabi ko nalang rito, akmang lalabas na sana ako ng muli niya akong hatakin.

Aba? Nakakarami na ng hatak sa'kin 'to mula kanina ah.

“In the past twenty years we doesn't know what the outside world looks like.” I sighed. I know what he feels, simula pagkabata at hanggang ngayon. Never pa kaming lumabas nang campo, and the fact that their doing this not only to forbid us, but to keep everyone safe.

Sino ba naman kasing maniniwala na ang bampira ay totoong nage-exist hindi ba? At ano rin bang alam namin sa mga tao, lalo na ako. Lumaki ako sa kampon nang mga bampira, lahat nang nalalaman ko, namin ay mga kaalaman nang mga sinaunang bampira.

"We can't, Kiel. Halika na at bumalik n—"

"We can. Hindi ka ba nahihiwagaan kung anong buhay ang meron sa labas?" I was stunned at the moment, syempre ilang beses din akong nagtanong kung ano nga bang meron sa labas. Pero...

“I want too but, hindi natin pwede suwayin si ina. Tiyak na hindi na tayo aabot pa ng umaga pag nahuli tayo.” May pangambang sagot ko rito. Napabuntong hininga na lamang siya at diretsong tumingin sa'kin.

“Bahala ka, kung ayaw mo akong samahan, edi h'wag. Basta my decision is final.” Huling sambit nito bago ako iwinan, akmang tatawagin ko pa sana siya ng isang iglap na mawala siya sa paningin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝒯𝒽ℯ ℒℴ𝓈𝓉 𝒜𝓂𝒾𝓉𝓎Where stories live. Discover now