UNKNOWN 79

422 14 38
                                    

Xavier's POV

Ngayon ang first day ng pasukan buti na lang at maaga akong nakadating sa University. Naninibago pa ako kasi freshman pa, hinahanap ko ang room ko para sa first subject, ang laki kasi ng campus, di ko talaga maiwasang mamangha sa university na to.


Habang papunta sa unang classroom para sa first subject ko, nakita ko si Tim at agad akong sinalubong nito. Bestfriend ko siya simula highschool, napagplanuhan kasi namin na pareho kami ng University na papasukan, parehas din kami ng course na Business Administration major in Financial Management. Sabay din kaming nag enroll last week kaya halos lahat ng schedule magkasama kami at magka block kami.


Sabay na din kaming pumasok sa room. Bumungad naman sa amin ang mga hindi pamilyar na mukha, yung iba bago katulad namin ang iba mga old student na dito rin nag senior high. Yung mga nagkukumpulan malamang mga luma yan, nagkita kita siguro ulit ng mga previous classmates nila dati.


"Daming magaganda tol noh"sabi nito at tumingin tingin sa mga students na kasama namin. Etong subject kasi na to open for all Business ad students kaya may mga kasama kaming mga major in Marketing, tsaka Operations Management kaya mejo marami kami. Napailing na lang ako. Ewan ko ba diyan hilig maghanap ng magaganda.


Lumipas ang ilang linggo at nakagaanan na rin namin ng loob ang ilan sa mga blockmates namin, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala yung iba. Ang dami kasi namin sa isang block kaya minsan nalilimutan ko. Yung mga tumatak lang sa akin ay yung mga nakakausap ko.


Papunta na sana kami ni Tim sa cafeteria nang may biglang nakabunggo sa akin. Nalaglag tuloy yung bag niya pati ilang books na dala niya, nag sorry ako at tinulungan ko siyang pulutin ang mga gamit


"Thanks"tipid na sabi niya at dumaan sa gilid ko. Naamoy ko tuloy ang pabango niya. 


"Ano kaya pangalan non?"bigla kong nasabi out of the blue at sinundan ng tingin yong babae


"Di mo kilala?"sabi ni Tim kaya lumingon ako sa kanya "Classmate natin yon sa Business Law. Si Clarry Delapaz, taga Marketing."


Classmate namin siya? Di ko napansin. Simula non lagi ko na siyang napapansin, parang lagi na lang siyang hinahanap ng mga mata ko. Tahimik lang siya sa hindi niya ka close pero pag kasama niya naman yung tropa niya ang saya niyang tignan. 


She is the type of person that tends to show her real self to people she's comfortable with and sana naman ganon din siya sa akin. We just had multiple interactions and masasabi ko na ang snob niya. 

Pero kahit snob siya, I admire her even more. The way she laughs, smiles and the way she rolls her eyes, lahat yun na kabisado ko na. palihim ko siyang tinitignan sa malayo and kontento na ako sa ganon. Sa simpleng pagmamasid sa kanya nalaman ko na rin kung ano ang mga hilig at gusto niya. Di ko nga rin namalayan na sa bawat pag masid ko sa kanya mas lalo lang lumalalim ang pagtingin ko para sa kanya.


Epistolary: Unknown (WAW TEXT SERIES 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon