Quién Soy (Sino Ako?)

26 1 0
                                    

Ako si Carla Madrigal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ako si Carla Madrigal. 20 taong gulang. Nag-iisa sa buhay.

Ang magulang ko ay matagal ng namayapa dahil sa isang aksidente na aming kinasangkutan at ito din ang dahilan kung bakit ako nakalimot.

Nalimot ko kung sino ang totoong ako. Ang tanging naaalala ko ay ang edad, pangalan, kaarawan at ang aking mga magulang.

Hindi ko magawang lumabas ng bahay. Dahil, natatakot akong makisalamuha sa mga tao sa paligid ko.

October 2018. Nangyari ang trahedya. December 26, 2021 na ngayon. Ang New Year's Resolution ko ay ang kumilala ng ibang tao, alamin kung sino ang totoong ako na siyang hindi ko nagawa ng tatlong taon dahil nakulong ako sa takot.

Tuwing Disyembre ay mag-isa lamang akong nag-diriwang ng pasko at bagong taon. Walang handa. Sapagkat, ako lamang mag-isa.

Ako lang naman lagi mag-isa. Walang kasama. Walang karamay.

“Bakit hindi masaya ang isang tao kahit nasa kanya na ang lahat?”

Isang tanong sa isang social media ang pumukaw sa pansin ko.

Nag-comment ako dito.

“Dahil may kakulangan pa sa buhay nila. ” maikli kong komento.

Pekeng account ang siyang ginagamit ko.

Nahiga na ako sa aking kama at pumikit. Maraming senaryo ang siyang pumapasok sa utak ko. Isa na dito ang isang babae.

Hanggang sa nakatulog ako ay ang babae pa din ang nasa isip ko.

“Ang ganda mo.” sambit ng babae sa akin.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

“Ilang beses mo nang sinabi sa akin 'yan ngayong araw.” natatawa kong sabi.

Ngumiti siya at tumingin sa akin ng seryoso.

“Akala ko alam mo na ang ibig sabihin ko d'yan.”

Agad akong umiling sa kanya.

“Ang ibig sabihin niyan ay—

Napabalikawas ako ng bangon. Pinagpapawisan ako ng malamig..

Hindi ko mawari kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko.

Disyembre 31, 2021. Alas dyes ng gabi. Naririnig ko na sa labas ang hiyawan at torotot nang mga tao. Ang ilan pa nga ay nagpapa-putok.

Nakaupo lamang ako dito sa tapat ng bintana. Nakatanaw sa kalangitan na sadyang kay dilim.

Tinatanong ko sa sarili ko, kung sino ba ako. Litong-lito na ako.

Pagsapit ng alas dose ay ang ingay na ng mga motor, tao, videoke at torotot. Sadyang kay saya nila.

Kinaumagahan ay agad akong naligo at lumabas ng bahay. Nag-punta ako sa puntod ng aking ina at ama.

Nakatitig ako sa mga pangalan nila at doon bumuhos ang luha ko. Sadyang kay pait ng sinapit namin.

Nais kong makilala kung sino nga ba talaga ako.

Sino nga ba ang totoong ako?

Sa taong 2022 ay nais kong sundin ang goal ko.

“Carla, kakain na!” sigaw ng isang boses na nag-pagising sa pagmumuni-muni ko.

Agad akong lumingon sa babaeng tumawag sa akin.

“Hi Carla. Kakain ka na, kailangan mo na din kasing inumin ang gamot mo.” sabi ni Nurse Lea.

Tumingin ako sa maaliwalas na facility. Ako na lang pala mag-isa dito.

“Gagaling na ba ako?” tanong ko kay Nurse Lea..

Ngumiti siya sa akin ng tipid.

“Oo naman. 'Di ba sabi sayo Doctor Guillermo, inumin mo lang sa tamang oras ang gamot mo. Gagaling ka.”

Tumango naman ako dito..

It's been 5 years since I did my New Year's Resolution. April 2027.

Nandito ako ngayon sa isang mental institution. They think I am crazy but I am not.

Tumawa ako ng pagkalakas-lakas.

They think I killed my parents but they are wrong!

My parents killed me for themselves!

They killed me. I got depressed and I couldn't think a right thing that time.

The accident happened because of me.

And they deserve it.

Nakilala ko na sa taong 2022, ang totoong ako.

I can't wait for New Year's Eve.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Quién Soy (Write-A-Thon Challenge 2022)Where stories live. Discover now