Q

7.4K 247 3
                                    

"WHAT IS the meaning of this, Agatha and Kiefer?"

Nagmulat siya ng mga mata nang makarinig ng kung ano.

Napangiwi siya nang maramdaman ang pagsakit ng kanyang ulo lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. She groaned. Parang binugbog ang kanyang katawan dahil sa sakit. Bakit ganito kabigat ang nararamdaman niya?

She opened her eyes. Nakita niya ang kanyang mga magulang sa pintuan at galit na galit ang itsura ng mga ito. Bakit? Anong nangyari? Bakit ito galit sa kanya?

"Explain, Agatha." Hinilot pa ng kanyang ama ang noo nito.

Mas lalo siyang nagtaka. Ano ang dapat niyang i-explain? Para bang dismayadong-dismayado ito sa kanya. Natawa siya nang mapakla sa kanyang isip. Eh, ano pa ba? Parati naman talaga, eh. Anong bago ro'n?

Uupo na sana siya nang maramdamang may mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang bewang at hita. Nanlaki ang kanyang mga mata at saka lang niya naramdaman ang init ng katawan ng katabi niya.

Biglang nataranta ang kanyang sistema at mabilis na nilingon ang katabi niya. Mas lalo siyang nagulantang nang makitang si Kiefer iyon. What the fuck?

Memories from last night flooded her brain like heavy rain falling on the dry land. Nagising ang kaluluwa niya at tiningnan ang pagmumukha nito. Tulog pa rin si Kiefer. Shit!

Nilingon niya ang kanyang mga magulang na bakas ang pagkadismaya.

"Go home. We'll give you time to change," dismayadong saad ng kanyang ina bago tumalikod. Sumunod naman ang kanyang ama rito bago sinarado ang pinto.

Nasapo niya ang kanyang noo dahil sa mga pangyayari. What now? Shit.

Nilingon niya si Kiefer at napangiwi pa siya no'ng dumaan ang sakit sa buo niyang katawan lalong-lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. She nudged Kiefer and Kiefer just groaned.

He hugged her tighter. Mas lalo pa itong sumubsob sa kanyang leeg. Tumahip ang kanyang puso sa ginawa nito. She cleared her throat. Muli niya itong ginising.

"Kief!" tawag niya rito at niyugyog ang braso nito.

Napangiwi siya nang maramdamang sumakit ang kanyang braso. Napatingin siya sa kurtina at umawang ang kanyang mga labi.

Natanggal sa pagkakasukbit ang curtain rack kaya tumatagos ang buong liwanag ng araw. Bagsak din ang lampshade sa side table at natumba ang isa sa mga upuan ng coffee seat. Tangina, they were that wild last night? Wala na siyang masyadong maalala!

"Kiefer Jace!" Tumaas na ng ilang decibels ang kanyang boses.

Tuluyan nang nagising si Kiefer. Kinusot pa nito ang mga mata. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay at tinapik ito sa pisngi.

"Wake up!" mariing ani niya rito. They need to go to their house and explain everything! Now, anong sasabihin niya kung wala siyang maalala? Shit.

Tiningnan niya ang reaksyon ni Kiefer. His eyes suddenly widened at the sight of her. Mabilis itong umupo.

"Shit, Agatha. I'm sorry!" saad nito na para bang nataranta. Putangina! Baka mas lalo itong mataranta sa sasabihin niya!

"My parents caught us, Kief! Fudge. What did we do?" Napahilamos siya sa kanyang mga palad. She ran her fingers through her short hair.

Bumuga siya ng hangin at tiningnan si Kiefer. Kita niya ang pagkinang ng pagnanasa sa mga mata nito bago bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib.

Bumaba ang kanyang tingin. Her breasts are exposed! Mabilis niyang itinaas ang kumot sa kanyang dibdib. Shit!

CruellyWhere stories live. Discover now