O54

209 20 4
                                    



⊱ ─── { YUI } ─── ⊰




Nasa tapat na ako ng bahay ni Sunoo. Hindi ko alam gagawin ko, napapasmado na 'yung mga kamay ko. Napapraning nanaman ako at hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya.



pero kanina habang naglalakad ako feeling ko may sumusunod sa'kin, whenever I go may sumusunod sa'kin. I don't want to look back baka may mangyari sa aking ng masama kapag ginawa ko iyon.



Maybe wala talaga akong stalker, guni-guni ko lamang ito. Sino ba naman ako para may magkagusto sa'kin? Di naman ako maganda katulad ni Naomi.



Huminga ako ng malalim, sinubukan kong alisin 'yung mga negative thoughts ko. Once I'm ready na kinatok ko na 'yung door.



Maya-maya ay dahan-dahan niya ito binuksan ang pintuan at iniluwa ang isang napaka gwapong lalaki na kahawig lang ni Sunoo in adult version.



I think Tatay 'to ni Sunoo, Lord bakit ang gaganda't gwapo nila? mga pinagpalang pamilya 'tong sila Sunoo. 



"Hello, ano maitutulong ko sa iyo?" He inquired pleasantly.



"Hello po, nandito po ba si Sunoo?" I inquired politely while smiling at him.



"Nasa kwarto niya, Why don't you come in and go to his room?" He said this as he motioned me to enter their house. I gave a nod and walked in. Their house was lovely and sophisticated to look at, with far better organization than ours.



"Do you see the room over there? Please feel free to enter. I believe he's taking a selfie to post on Instagram right now." sabi niya sa'kin, tumango naman ako.



He smiled at me bago siya pumunta sa kusina after that agad na ako umakyat sa hagdanan at pumunta sa tapat ng room ni Sunoo. Kinakabahan nanaman ako gusto ko na magback-out kaso hindi na pwede dahil nandito na ako, nasa tapat na nga ako ng kwarto ni Sunoo tapos magbaback-out na agad?



Kinurot ko agad 'yung braso ko para less kaba. 



"Kaya mo 'to Yui!" pagchecheer ko sa sarili ko at agad ko na kinatukan ang pinto, narinig ko naman ang footsteps.



Napapangiti ako na wala sa oras, iba talaga kapag si Sunoo makikita ko ngayon.



However, when the door opened, my smile disappeared.












"Naomi..?"



𝐋𝐈𝐓𝐎 ⌒ sunoo ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon