33

149 9 0
                                    

PRESENT

"Pupunta ka sa mini-meet and greet namin bukas?" Tanong ni Pau habang nakaupo kami sa may gilid ng pool. Gabi na rin at kagagaling niya sa studio nila.

"Hmm," tumango ako. "Kasama ko ang mga bago kong kaibigan." Nakangiting sagot ko.

"Naks, madami ka nang kaibigan." Natatawang sabi nito. "Friendly 'yarn." Pang-aasar niya kaya pabiro ko siyang hinampas.

"Gusto ko lang maging kaibigan lahat ng empleyado namin." Sagot ko.

"Nakita mo na ba 'yong tsismis sa twitter?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo," sagot ko. "Pala-desisyon kasi mga tao ngayon." Natatawang sagot ko.

May kumakalat kasi na rumor about sa amin ni Aljon. Isa sa mga model sa M apparel.

"Kainis nga, e." Kunot ang noong sabi nito kaya natawa ako. "Sinasabi nila na bagay kayo." Patuloy niya kaya mas lalo lang akong natawa.

"Selos yarn?" Pang-aasar ko kaya mas lalo pang kumunot ang noo niya.

"Baka ipagpalit mo na ako ro'n." Sabi nito kaya hinila ko siya palapit sa'kin. Ang sarap niyang ibulsa. Napaka-cute magselos.

"Aww, nagseselos ang bebe." Pinisil ko ang ilong niya pero kunot parin ang noo niya kaya natatawa akong umiling bago siya mabilis na halikan sa labi para mawala na ang tampo niya.

"Huwag ka na magselos." Nakangiting sabi ko.

Tumango naman siya na nakatitig lang sa'kin kaya napalunok ako. Bumaba ang tingin niya sa labi ko saglit bago niya ibalik ang tingin sa mga mata ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko pababa sa baba ko. Napalunok ulit ako nang ilapit niya ang mukha niya sa'kin. He kissed me. A kiss that full of emotions.

___

"Excited na ako!" Sigaw ni Mira nang papasok na kami sa venue ng mini-meet and greet ng SB19.

"Me too," sagot ko.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Hindi ganon karami ang tao. Nakasuot din ako ng cap and facemask dahil baka lang naman may makakita sa akin dito.

The event went well naman. Bago ang fan signing ay may mga palaro pa na naganap. Sumali rin kaming tatlo sa mga palaro nila. Nanalo rin sila at may price na official merchandise.

After the palaro ay fan signing na sa wakas. Iyon ang hinihintay nitong dalawang kasama ko dahil doon makakausap mo talaga sila ng malapitan.

Pumila rin kaming tatlo at sa may pinakalikod ako. Kinakabahan din ako dahil kanina pa tumitingin sa gawi ko si Pau.

Nang kaming tatlo na lang ang nakapila ay sobra na 'yong kaba ko.

"What if ayaw kong pirmahan 'to?" Sabi ni Justin nang iabot ko sa kanya 'yong kung saan sila magsign.

"Pasalamat ka marami kang fans dito." Bulong ko. Tumawa lang siya.

"Isa ka rin naman do'n, ate" napairap ako at lumipat na ako kay Stell.

"Hello, asawanipau in twitter." Sinamaan ko ng tingin si Stell nang sabihin niya iyon.

[SB19 IDOL SERIES #2]Teardrops on My Guitar | SB19 PabloWhere stories live. Discover now