Tandem

6.6K 159 7
                                    

Bad trip yung outing .. bakit ako gumastos nun?! Huhuhuhu 6k din yun putek .. pasalamat kayo mabait ako mga kurikong talaga kayo. Next time hanap ako ng ibang bffs!!! °^°

Bago mag-umpisa ito I just want to say this ... I LOVE YOU ZACHARY !!!! INLOVE NA AKO SA KANYA HAHAHAHA

Tska ano gagawan ko siya ng story .. hihihi pagkatapos ng Assassin Princess .. kaya mahaba pa pagsasamahan namin nila Hell at Zacy ..

©©©©©

Hindi pumasok kinabukasan si Zab ni hindi din siya umuwi sa Mansion hindi pa siya handa harapin ang lahat maging si Drake ay hindi niya kayang harapin. Kahapon ng mag-usap sila ni Max ay gulong-gulo siya, may pagmamahal parin siya para kay Max,iyon ang ikinatatakot niyang malaman ni Drake ayaw niyang masaktan ito,natatakot din siyang mawala ito mahal niya ito ramdam niya sa kanyang puso na mahal niya ito pero may gumugulo parin at si Max nga iyon.

Nakahiga lamang siya sa Penthouse ng Reid Hotel . Nagmumuni-muni isa pa sa palaisipan niya ay ang pag sunod sunod ng isang itim na van sa kanya Simula ng umalis siya ng forest. Mabuti nalamang ay hindi siya nasundan ng mga ito. Narinig niya ang pagtunog ng Doorbell, napakunot-nuo siya, mahigpit na ipinagbilin niya sa mga tauhan ng hotel ng walang pwedeng umistorbo sa kanya rito she need a peaceful place to think ! At ngayon ay nasira kung sino mang hinayupak ang nasa labas.

Nagtakip siya ng unan at dumapa. Go to hell! Piping hiyaw niya sa sarili . Ilang saglit ay tumigil na ang pagtunog ng doorbell. Mabuti naman at tumigil hindi pa ata nakakahawak ng doorbell yun psh ! Kailangan niyang matulog wala pa rin kasi siyang tamang pahinga. Ipipikit nalang niya ang mata ng marinig niya ang pagbukas ng sariling kwarto, naging Alerto ang pakiramdam niya.

'' tsk so dito ka lang pala nagtatago? '' napabalikwas siya ng bangon . At kita niya si Zach na naka sandal sa pinto at nakahalukipkip naka taas pa ang isang kilay nito habang matiim na nakatitig sa kanya.

'' hinihintay kita sa airport kanina para sunduin ako . And I think you forgotten about it '' napangiwi siya sa turan nito tumawag nga ito sa kanya Kagabi pinauwi na kasi ito ni Tanda dahil kaya na naman daw nito ang pamahalaan ang negosyo nila . Sa ngayon daw ay kailangan intindihin nito ang anak na si Hell .

Assassin Princess (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon