Chapter 22

56 16 8
                                    


JEALOUS 2.0

After ng kanilang madramang pag uusap, ay  nag simula na silang mag kanya kanya sa party.

Bago pa man lisanin ni Robert at Jovy ang venue ay lumapit sa kanila si Shine, bitbit ang malaking sketch board na may nakaipit na papel. Inayos niya ang makapal na salamin niya sa kanyang mata, habang naka ngiti. "ma'am Jovy, este... Ate Jovy pala."

"Why?" Tanong ni Jovy.

"P-pwede na ba akong mag swimming?" Excited na tanong niya.

Mabilis naman siyang pinag kunutan ng noo ni Jovy. "Gaga. Nakakahiya ano ba? Hindi naman sa atin party to eh." Huminga ng malalim si Jovy at humawak sa balikat ni Shine. "Sige na, paki tingnan maigi ang trabaho ng mga staff ha? Dapat maayos ang service nila sa mga bisita. Okey?" Sabi ni Jovy sabay kapit sa braso ni Robert at lumakad palayo.

Napasimangot na lamang si Shine at nag buntong hininga, sabay talikod at bumangga siya sa dibdib ni Justine.

Natumba si Shine at nabitawan niya ang hawak niyang mga papel at bahagyang lumihis pababa sa pisngi niya ang kanyang makapal at bilog na salamin na may malalaking lente.

"Hey.. are you okey?" Tanong ni Justine sabay upo at dinampot ang mga gamit ni Shine na nagkalat.

Tumango lang si Shine at inaninag kung sino ang nabangga niya. "Sorry sir." Sabi niya.

Napangiti lang si Justine. "No, it's okey." Sabi niya sabay ayos ng salamin ni Shine sa mata.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Shine ng mga oras na yun. Para siyang na hipnotized ng isang warrior angel na bumaba sa lupa para pakiligin siya ng ganito.

Nang mahimasmasan siya ay mabilis siyang kumurap-kurap at tumayo at tsaka nag pagpag ng kanyang slocks. Inayos niya ng bahagya ang makapal at kulot niyang buhok na kulay itim, na parang buhok ni Marimar.

Bahagyang napangiti lang si Justine at inabot kay Shine ang mga gamit nito. "Next time, mag iingat ka na ha?" Sabi nito sa kanya. Nagkangitian lang silang dalawa at kapwa tumalikod sa isa't isa at naglakad sa kanya kanyang pupuntahan.

------

SA PRIVATE ROOM NG HOTEL.

Pinasadya ni Robert ang room na ito para sa kanila ni Jovy. Dito sila natutulog kapag gusto nilang mag stay sa hotel ng resort.

Since naimbitahan silang makisali sa party ay nagkanya kanya na sila ng bihis para sa swimming ngayong gabi. At niyaya na rin nila si Shine dahil kanina pa itong hapon excited.

------

SA POOL.

Nag lalakad si Robert palapit sa kinaroroonan ng mga pinsan niya. Mga nakaupo ang mga ito sa hagdan ng pool, at tulad sa nakagawian ng mga pinsan niyang lalaki ay, kanya kanya na naman itong payabangan sa chickx. Ngayon ay nakikisali na rin sa kanila si Justine. Kasama na rin nila si Shine na nag fe feeling close agad kahit kakapakilala pa lang sa kanya ni Justine sa mga pinsan nito. Matagal na rin naman niyang kilala si Justine. Simula ng kunin siyang coordinator ni Jovy ay pinakilala na siya nito kay Justine. Kaya naman medyo confident na siya kahit pa matagal na niya itong crush.

"Hey! Robert! Long time no see ah." Sigaw ni Raffy sa papalapit na si Robert. Naka akbay pa si Raffy sa dalawang chicks niya.

Tumango si Robert habang nakangisi at tsaka nakipag appear sa mga pinsan niya.

Napakunot noo naman si Gladies at bahagyang tinanaw ang likuran ni Robert. "Where's Jovy? Don't tell hindi na naman namin siya mami-meet." Sabi niya.

Napa ngisi lang si Robert. "Of course not. Susunod daw siya dito. Nagpalit lang siya ng damit kasama si Mommy at mamu. " Sabi niya.

52 Weeks With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now