CHAPTER 20>>>SHOULDER HE CAN CRY ON!

66 2 0
                                    

yan update ulit bawi bawi din pag my time ika nga sana malike nyo po at favor comment naman po kayo kahit konti lang hahaha pwede sabay votes na rin haha salamat 

hmmm gaya ng dati ung error po pagpasensyahan nyo na po

======================================

CHAPTER 20>>>SHOULDER HE CAN CRY ON!

HANNAH POV>>>

Nandito ulit kami sa ospital right after Makita naming si Benj na walang malay sa kotse nya

Nag-iintay ako nun sa bahay nila dahil gusto ko sana ibalita kay benj na nagtagumpay ang plan nya

Because Harry and Carmina are officially couple at habang naguusap kami ni Aunty nang marinig ko ung sasakyan nya mabuti at hindi ako maghihintay nang matagal kasi sa nagdaang araw hindi na rin ako palgay na kasama ko si Benj lalo na at kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano nya na mahal na mahal si Carmina

Dahil kahit anong tanggi ko nasasaktan at nasasaktan pa rin ako kaya yun hinintay ko na lang sya sa sala nila kasya at salubungin ko pa sya na parang sabik na sabik talaga ako na Makita sya kahit yun naman talaga ang totoo,

Kaso habang nag-uusap kami ni Aunty we are shocked to hear ang busina sa kotse nya na hindi humihinto kaya dali dali kaming lumabas at nagpunta sa garahe pero kaya naman laking gulat namin nang makitang

Nakadukduk sya sa manibela at wala nang malay again eto na naman ako nakatinign sa mukha nya na dahan dahan kong hinahaplos kasi

Kahit anong gawin ko hindi ko talaga di matiis na hindi sya haplosin lalo nat nakakahabag ang itsura nya habang nagtatagal ang panahon at palala nang palala ang sakit nya

Hindi ko namalayan na napatakan ko pala ng luha ang mga braso nya kayang laking gulat ko nang hawakan nya ang mukha ko

Sa dami kasi nang iniiisip ko hindi ko napansing gising na pala sya at mas naiyak ako ng haplosin nya ang mukha ko at pahiran ang mga luha ko

“sabi ko sa yo don’t cry for me because I don’t deserved it, little bear” sabi nya sa mahina nyang boses pero sapat na yun para lalo akong maiyak dahil sa tinuran nya

Pinunasan ko agad ung luha kasi ayaw ko rin naman na malungkot sya

“ikaw kasi pinaiiyak mo ako lagi eh, ayos na ba ang pakiramdam mo?” pag-aalalang tanong ko sa kanya

Pero hindi sya sumagot sa halip inilagay nya ang kamay nya sa may bandang mga mata nya habang hawak nya ang dibdid nya kaya nagpanic ako at dali-dali akong tumawag ng nurse

3 MONTH LOVE!Where stories live. Discover now