Capitulo Seis

1.9K 72 14
                                    

SALAMAT sa lahat ng nagbabasa:)

----------
Enjoy Reading:)
----------

"Please take me home."

Yun ang sinabi sakin ni Mika nang tabihan ko siya sa verandah paggising ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na samahan siya papuntang Bulacan.

Kaya heto kami ngayon sa harap ng bahay nila.

"Hija, may hinahanap ka ba?"

Napalingon ako sa medyo may edad nang lalaki na nagsalita mula sa likuran ko.

"Opo. Nasaan na ho ang nakatira diyan sa bahay?" nagtatakang tanong ko.

"Aba eh matagal nang walang nakatira diyan. Higit isang taon na rin yata nung umalis ang mga Reyes."

Naman oh.

Sinulyapan ko si Mika na nakatitig lang sa gate ng bahay nila. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya. Nandito na kami eh. Makikita na sana niya ang pamilya niya. Pero ito pa ang naabutan namin.

Ngunit sa kaloob looban ko'y nakaramdam rin ako ng konting saya. Makakasama ko pa siya nang matagal.

Tsk. Umayos ka Vic! Anong masaya dun eh malungkot nga si Mika!

"Alam niyo po ba kung saan sila lumipat?" tanong ko.

Sandali siyang nag-isip pero napakamot na lang ng ulo. "Hindi eh. Pasensya na hija."

------------

Medyo madilim na rin nung papabalik na kami ni Mika. Katulad kanina ay tahimik pa rin kami habang nagbibiyahe.

"Alam mo nung nasa ospital ako, paulit-ulit na lang ang nakikita ko araw-araw. Hindi ako makalabas at paikot-ikot lang. Pakiramdam ko nga ang bagal ng oras." biglang saad niya nang mapahinto kami dahil sa traffic. "Samantalang ang bilis lang pala nitong lumipas dito sa labas. Hindi ko na namalayang naiwan na pala ako.."

Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko pa naman naranasan ang sitwasyon niya. Isa lang ang nasisiguro ko, nasasaktan siya. At nahihirapan rin ako dahil kahit gusto ko siyang tulungan ay tila wala akong magawa.

"Salamat, A-Ara. Thank you for everything..." pilit siyang ngumiti nang lingunin ako. Pero alam ko na sa likod ng mga ngiting yun ay nakatago ang tunay niyang nararamdaman.

"Tutuparin ko ang pangako ko sayo, Mika. Hahanapin natin ang pamilya mo."

--------------

"Hon, I miss you very much!"

Hindi na ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko nang bigla akong salubungin ng yakap ni Bang pagpasok ko pa lang ng pinto.

"B-Bang.."

Anong ginagawa niya dito?

Akala ko ba sa susunod na araw pa ang dating niya?

"Honey, are you still mad?" lumayo siya ng kunti upang makita ang mukha ko. "Hon, I'm sorry. Nabigla lang siguro ako at sobrang nag-alala. Forget about what I said. Hindi ko na ulet gagawin yun. I promise."

Niyakap niya ulet ako. Hindi pa rin ako makapagsalita. Para kasing bigla na lang akong namanhid nung makita ko siya.

Agad kong naalala si Mika kaya nilibot ko ang tingin sa paligid. Nakita ko siyang nakatalikod mula sa amin at palabas sa verandah. Hindi ko maintindihan pero gusto ko siyang tawagin at pigilan.

Nakatingin lang ako sa direksyon ng verandah nang magsalita ulet si Bang.

"Hon, are you hungry?" nakangiti siya habang nakatingala sakin. "Tara sa kitchen, ipagluluto kita ng paborito mo."

---------------

Habang nasa kwarto ay ikinwento sakin ni Bang kung bakit napaaga ang uwi nya. Maaga daw kasing natapos yung seminar at nauna rin siyang umuwi kaysa mga kasamahan niya. Namiss niya daw kasi ako.

Habang nagkukwento siya ay hindi naman ako mapakali. Iniisip ko si Mika.

Dapat kay Bang lang ang atensyon ko. Hindi pa ako nagdalawang isip sa nararamdaman ko sa kanya. Ngayon pa lang. Simula nung araw na nakilala ko si Mika.

Argh! Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. Mali 'to eh. Alam kong mali. At kailanman ay impossible..

Di ko namalayan na nakatulog na pala kami. Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto.

Nakasilip pala si Mika sa siwang at nagtama ang aming mga mata. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ko.

"Uhm.. S-Sorry.." paumanhin niya saka agad na umalis.

Babangon na sana ako para sundan siya nang mapansin kong nakayakap pala si Bang sa braso ko. Kaya dahan-dahan ko itong kinalas saka tumayo at lumabas ng kwarto. Agad kong nakita si Mika na nakatayo sa verandah habang nakatanaw sa malayo.

"Why are you always here?" tanong ko nang makalapit sa kanya.

Gulat pa siyang napalingon sakin pero binalik rin agad ang tingin sa malayo. "Naistorbo ko ba kayo? Pasensya na. I was just--"

"No, not at all. Nagigising talaga ako ng mga ganitong oras." sagot ko saka tumayo sa tabi niya.

Pareho kaming hindi na umimik pa. Nakatingin lang din ako sa highway sa ibaba. Hindi ko napansin kung gaano katagal kaming tahimik, siguro dahil na rin sa dami ng mga tumatakbo sa isip ko.

Hindi nagkwento si Mika tungkol sa dahilan ng kanyang... pagiging multo. Yun. Naiintindihan ko naman, masakit pa rin siguro para sa kanya ang nangyari hanngang ngayon. Marahil yun din ang dahilan kung bakit lymipat ng tirahan ang pamilya niya.

Wala siyang ideya kung saan pwedeng mahanap ang mga ito. Paano kung isa pala sila sa mga taong nakasakay sa mga kotse sa baba? Baka naman malapit lang din ang nilipatan nila? Maybe I should hire an investigator. O kaya naman magtatanong na lang ako sa friends namin baka may alam sila tungkol kay Mika.

"Gaano na kayo katagal?"

"Ha?" naputol ang pag-iisip ko at napatingin sa kanya.

"Uhm.. Kayo ng girlfriend mo, how long have you been together?" she said nang di tumitingin sakin.

"Ah mag-iisang taon na kami ni Bang." hinintay kong magsalita ulet siya pero hindi na siya ulet umimik. Hindi ko alam pero gusto kong marinig ulet ang boses niya kaya nagtanong na lang ako. "I-Ikaw? I mean.. I'm sure you have s-someone.."

Ay putek. Bakit ba sa lahat ng pwede kong itanong ay yun pa? Parang ayaw ko pa yata marinig ang sagot niya.

"Yeah, but I think it doesn't matter anymore."

Meron nga. At kung pagbabasehan ang mukha ni Mika ngayon ay halatang salungat sa sinabi niya ang kanyang nararamdaman.

Nakaramdam ako ng kunting kirot sa dibdib pero hindi ko na lang iyon pinansin.

"Look, ang ganda ng buwan oh." basag niya sa katahimikang bumalot ulet sa amin.

"You're more beautiful.."

And then namanlayan ko na lang na ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin. My mind went blank the moment our eyes met.

"Hon?!"

Nahimasmasan ako ng marinig ang boses ni Bang.

"Bumalik la na sa loob.." humakbang paatras si Mika at iniwas ang tingin.

"Vic?! Asan ka na?"

"Y-Yeah.. h-hinahanap na pala niya ako.." nauutal na sabi ko. Halos di na rin ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko.

Tumalikod ako saka tinuktok ang ulo ko. Naiinis ako sa sarili ko. Wala akong kwentang girlfriend.

Akmang papasok na ako nang tawagin ako bigla ni Mika kaya nilingon ko siya.

"Good night, Vic.." she said while smiling at me. "Bye."

----------
Thanks for Reading:)
----------

LOVE Over MATTER (Mika Reyes - Ara Galang)Where stories live. Discover now