Bungad

13 0 0
                                    

Ang storyang ito ay kathang isip lamang ng isang dalaga. Kung hindi man naayon ang mga salita at grammar ay maari niyong sabihin sa akin.

Salamat.

Bungad.
Isinulat ni: aqess.

Nagmamadali akong lumabas ng aming bahay. Alas-otso na at isang oras na akong late sa klase ko.

Magagalit na naman si Miss Garcia nito.

Nakatira ako sa Tondo Manila, masaya naman ang buhay dito kahit na squater area ang lugar na ito. Hindi porke squater ang lugar hindi na maganda ang pakikitungo ng mga kapitbahay.

Pumara na ako ng jeep papunta ng 'La Salle' dito ako nag-aaral ng Fine Arts.

Kinasanayan ko ang pagpipinta, nuong bata palang ako hilig ko na itong gawin.

20 minutes at nakarating na ako ng school ko. Kung alam niyo lang maraming mga mayayaman dito.

Hindi ko nga alam kung bakit ako sa school na ito nag-aral.

"Late again Garcia?" Masungit na saad ni Miss Garcia.

Parehas kami ng apelyedo.

"Sorry I'm.." hinihingal kong saad. ".. late ma'am." Sambit ko.

Masungit niya pa akong tinignan mula ulo hanggang paa. "Go to your seet." Utos nito.

Kung di lang kita prof.

Joke.

Baka mamaya mawalan ako ng scholarship.

"Psst." Kalabit ng isa kong classmate.

Bago ko ito nilingon ay agad na akong pinalabas ni Miss.

"Get out the both of you!" Sigaw nito.

Achkkk!

"S-sorry Cat." Bulong nito habang papalabas kami.

Humarap naman ako sa kanya ng may ngiti sa labi.

"Tangeks okay nga yon 'e, alam mo bang wala pang laman tiyan ko." Natatawa kong saad.

Napangiti naman siya. "Kakaiba talaga si Miss 'no? Hindi naman nakatingin sa atin yon pero alam niyang tayo yung maingay." Sambit ni Shela.

Shela is my bestfriend. Magka-klase kami nuong third year high at nabalitaan kong lumipat siya nung fourth na, nagkita nalang uli kami dito at halatang gulat siya ng makita ako.

Nuon nung highschool kami parehas kaming nasa private, hindi ko alam kung bakit private ako nag-aaral.

"Lugaw po dalawa tapos dalawang tokwa't baboy, isang white rice with chicken wings po tapos dalawang orange juice ay no isang orange juice po at isang hot chocolate." Order ni Shela.

Tulala akong napatingin sa kanya na tanging ngiti lang ang meron sa mukha.

"Te.. ano kaba buwaya? Kasya sa tiyan mo yon?" Hindi makapaniwalang tono na saad ko.

Hindi din naman yon ang problema.

La Salle to at mahal ang pagkain na tinitinda dito.

"Kasya sa tiyan ko yan, sa totoo nga kulang pa yan 'e." Saad nito at abot ng isang libo sa cashier.

Mabilis lang naiabot sa amin ang pagkain. Hindi ko maubos ubos ang lugaw ganon narin sa tokwa't baboy.

"Ayaw mo na?" Tanong nito.

Tumango lang ako.

Natawa ako ng agad niya itong kinuha at siya na ang lumapang. Ako naman ay ininom yung hot chocolate.

Chocolate for stressful day.

"Cat." Tawag pansin sa akin ni Shela.

"Hmm.." nakapangalumbaba kong tugon.

Lumilipad ang aking isip, natandaan ko kasi mga problema ko 'e.

"I'm moving to Canada." Saad niya.

Napaso naman ako sa hot chocolate ng sabihin niya iyon. Taka akong tumingin sa kanya at mukha namang hindi siya nagsisinungaling sa sinasabi niya.

"Leaving me?" Medyo natatawa kong sagot kahit sa loob-loob ko nasasaktan na ako.

"I have no choice, my grandma passed away and I'm the only one who can have all her heritage. You know my Mom and Dad passed away when we're both in third year right? Walang kukuha ng mga yon maliban lang sa akin.." saad niya.

Malungkot ito.

Sabagay.. pamilyang mayayaman hindi lulubayan ng bussiness world.

Mapait akong ngumiti sa kanya.

"Basta ba padalhan mo ako ng favorite ko." Sambit ko dito.

May luhang pumatak sa mga mata niya. "Syempre.." nauutal niyang sabi dahil pinipilit niyang huwag umiyak. ".. naman hindi ko makakalimutan yan." Iyak niyang sabi.

Napayakap kami sa isa't isa at ako naman ay panay punas ng luha ni Shela.

Sa totoo lang.

Paano na ako?

Nakakatakot palang maging mag-isa bg tuluyan

Worth A BillionWhere stories live. Discover now