Panglabing siyam

9.4K 262 71
                                    


Tinangka niyang habulin si Andrea ngunit hindi na niya ito naabutan pa, idagdag pang hindi niya alam kung saan ito nagpunta kaya wala na siyang nagawa kundi pumunta sa hospital upang bantayan na lamang ang kanyang ina. Hinawakan niya ang kamay nito para malaman nitong nandirito lamang siya sa tabi. Nangkasakit ito isang taon na ang nakalilipas dahil sa sobrang kalungkutan nang biglang mawala ang kanyang kapatid. Inako ng huli ang kasalanang sa kanya ibinibintang.


Ang pagkawala ni Britanny.


Ngunit nang mapatunayang wala siyang kasalanan ay hindi pa rin nagawang magpakita ng kanyang kapatid.


"Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung pinigil ko lamang ang galit ko, baka kasama pa namin siya"


Sa kanyang pagbuntong hininga'y nakaramdam siya ng kakaiba. Iyon ang parehong pakiramdam noong naospital ang kanyang kapatid. Ang mainit na hangin at ang maalinsangang paligid. Ang kabang unti unti niyang nararamdaman at ang pagtaas ng kanyang balahibo sa hindi malamang dahilan.


Nilingon niya ang buong paligid ngunit wala siyang anumang nakita. Ngunit nang dumako ang kanyang paningin sa maliit na salamin sa tapat ng kama ng kanyang ina ay nanlaki ang kanyang mga mata.


Ibang kamay na ang hawak hawak niya.


Isang babaeng may magulo at mahabang buhok na nakatabon sa mukha nito. Hindi niya tuloy magawang makita ang mukha nito. Madumi ang kulay itim nitong damit na tila may mga putik na hindi pa natutuyo. Naaaninag rin niya ang pulang likido sa mga braso hanggang kamay nito na hawak niya. Napaangat siya ng bahagya sa kanyang pagkakayuko nang biglang gumalaw ang ulo nito at humigpit ang hawak sa kanyang kamay. Naririnig rin niya ang mabigat nitong paghingal na sumasabay sa mabilis niyang paghinga.


Hindi niya magawang lingunin ito dahil natatakot siya. Tama nang sa salamin lang niya ito nakikita dahil baka hindi niya kayanin.


"Tulungan mo ako"


Kinilabutan siya nang marinig ang boses nito. Iyon ang kaparehong boses na kanyang narinig noong unang naospital ang kapatid. Iyon ang boses ng unang babaeng nagpakita sa kanya. Bakit ngayon na lamang ito muling nagpakita sa loob ng isang taon? Ano ang kailangan nito? 


"Tulungan mo ang kapatid ko"


Napasinghap siya nang humawi ang buhok nito at nakita niya ang kabuuan ng mukha nito.


"Hindi maaaring.."


"Paki-usap.. Tulungan mo... ang kapatid ko..."


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Parang isang ligaw na hayop ang pakiramdam ni Andrea habang nakaabang sa isang bahay. Hindi siya nahirapang hanapin ang bahay dahil bukod sa ito ang sentro ng bayan na iyon ay ito pa ang sigurado niyang pinakamalaki at pinakanakakatakot. Ang bahay na iyon ay higit na mas malaki kaysa sa bahay sa kanialng bayan, ngunit may pagkakatulad ang mga ito pagdating sa simoy ng hangin.

BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Where stories live. Discover now