20: Juancho Jose Silverio

891 39 2
                                    

" Away"

" Professor, 1+1 nga?"

Binato niya ako ng unan dito sa sofa. Nasa sala kasi kami ngayon. Kumakain ng meryenda.

It is those usual afternoon routine that I never thought I would love to have. As long as I know she's with me.

Nakasanayan ko na kasing asar-asarin siya.

Ang bilis kasi nitong mapikon.

Kaya ito halos limang unan na ang naibabato niya sa'kin.

" Tigilan mo ako Juancho, ha. Wala ako sa mood ngayon."

" Asus, parang nasa mood ka palagi."

Inirapan lang niya ako.

Nasanay na rin ako sa mga irap at matatalim niyang titig.

Natatawa akong pagmasdan ang namamaga niyang ilong. Sa tuwing nagagalit siya ay tila namumula pa ito lalo.

Ang sarap din pingutin ng kanyang pisngi kaya lang hindi ko na ginawa ulit dahil nang minsan gawin ko 'to sa kanya ay halos maputol ang braso ko sa sobrang sakit dahil sa paghampas niya.

" Walong buwan na 'yang tiyan mo, hanggang ngayon naglilihi ka pa rin sa'kin?"

" Alam mo Juancho, hindi kita pinaglilihian. Sadyang nakakabwesit lang talaga 'yang mukha mo."

Napataas ang kilay ko at hindi mapigilan ang sarili na mapangiti.

" Nakakabwesit? Bakit ano bang ginawa ng maganda kong mukha sa'yo ha? Asus, kung magmana sa'kin 'yang anak natin, kakainin mo lahat ng mga masasakit na sinabi mo."

Namula siya bigla nang marinig 'yun sa'kin.

Natigilan naman ako.

Napatda ako sa mga pinagsasabi.

Napalunok ako at mabilis na kinagat ang hiniwang papaya.

" So naubos mo talagang basahin lahat ng libro 'dun sa library?"

Hindi niya ako sinagot at nanatili lang na tahimik.

Natigilan naman ako at nahihiwagaan na napatingin sa kanya.

Palagi nalang siyang ganito.

Simula nang manatili ako rito sa bahay at wala ng ibang nakita kundi siya lang ay natuon halos lahat ng atensyon ko sa kanya.

Kaya naman sa sobrang kuryusidad ko sa pagkatao niya ay hindi ko napigilan na maghire ng private investigator.

Pero minsan, may mga araw talaga na napapansin kong parang ang layo niya.

Well, siguro ngayon ko lang 'to napansin.

Kung titingnan ay parang may malalim siyang iniisip.

Minsan parang gusto ko na ring buksan ang utak niya para malaman kung ano ang mga iniisip niya.

She always look worried.

Napatikhim ako at umupo ng maayos.

" Nag-aalala ka pa rin ba sa pera mong naunsyami dahil sa pakikialam ng parents ko?"

Napayuko siya at tinitigan na lamang ang papaya.

Inikot-ikot niya ito gamit ang tinidor.

" Well, sabagay..sayang talaga. Napakalaking halaga na nung 500 million."

Hindi pa rin siya nagsasalita.

Nagsimula na akong mainis ngayon sa kanya.

" Ano ba!! Napepe ka na ba?! Hindi ka na marunong magsalita? Ha? Nasubraan ka ba sa talino?"

PENNYWhere stories live. Discover now