Chapter 1

2 0 0
                                    

Unknown

I didn't know someone who can look so beautiful even with her face full of sweat. Tinititigan ko si Charm habang nagpa-paypay siya ng sarili gamit ang notebook niya. Sobrang init sa faculty room dahil halos puno din ng tao ang maliit na silid.


Different people from different year level and strand is inside the faculty room para masukatan ng jersey. At syempre nandito ang student council officers.

Binawi ko agad ang tingin ng makita ko si Charm na babaling na sa pwesto ko. Pero, babaling nga ba talaga sakin? O kay Theo na naman?

Kay Theo na walang ibang ginawa kundi kausapin ang mga babaeng nasa likod namin. Nakita ko kung paano masaktan si Charm dahil sa ginagawa ni Theo.

At kahit masakit, ginawa ko ang alam kong magpapasaya kay Charm.

"Pre." Tawag pansin ko kay Theo. Agad naman itong tumigil sa pakikipagusap at don ko lang nakitang kumalma ang mga mata ni Charm. Buti naman. Kahit nakakainis, gagawin ko lahat mapasaya lang si Charm. Kahit hindi ako 'yon.

"Oh bakit?"

Ang gago mo.

"Ang gwapo mo. Pengeng chix." Tumawa naman agad si Theo. Mayabang din to eh.

"Gago. Ba't ba wala kang chix? Tangina ang daming baliw sayo dyan p're. Pili ka na lang."

Mas gago ka. Sinasaktan mo si Charm.

"May gusto na kasi ako."

Tapos may gusto sayo.

"Edi ligawan mo o kaya pag binasted ka manligaw ka ng iba. Isahan mo tas manligaw ka ulit ng iba. P're, saya n'on." Tinawanan ko siya. Eto ba Charm? Eto ba yung lalaking baliw na baliw ka? Tanginang buhay.

"Saya ba?"

"Ewan." Sabi niya habang mag ngiting nakakaasar at nag kibit balikat pa. Sarap tanggalin nung ngiti niya. Ang laki ng ngiti mong gago ka samantalang yung mahal ko nasasaktan dahil sayo.

"Si Charm ba? Pwedeng ligawan?" Tanong ko. Biglang nawala ang ngiti niya. Pero bumalik din naman agad.

"Tanungin mo. Siya naman liligawan mo eh. But don't you dare do what I told you. Wag si Charm p're."

"Gusto mo si Charm?"

"Hindi." Sagot niya. Napamura na lang ako ng makita kong nasa likod niya pala si Charm. Nakita ko kung paano s'ya ngumiti kahit hindi totoo.

"Theo. Kayo na ng teammates mo ang susukatan." Pag i-inform ni Charm kay Theo. Agad ngumiti si Theo kay Charm at tumango. Inakbayan ni Theo si Charm at kinausap.

Tangina. I badly want to keep her close to me like that. Pero sino ba ako? Hindi naman ako si Theo.

Tahimik lang ako habang sinusukatan ang ibang teammate ko. Tahimik lang din akong nakikinig sa paguusap ni Charm at Theo.

It was a hellish time for me. Yung mahal mo di ka pinapansin kasi iisang lalaki lang ang napapansin niya. Si Theo. She sounds so happy. She looks so happy.

Kailan kaya s'ya sasaya kapag ako ang kasama niya? Kapag ako ang kausap niya? Hanggang pangarap na lang siguro. Natapos ang pagsusukat sa lahat ng players after hours. Tapos na ang afternoon classes ng paalisin kami sa faculty. At eto pa ako kinakausap ng isang teacher dahil wala daw sya bukas.

"Mr. Kantarias? Do you get me?"

"Yes ma'am. Ipagawa sakanila yung activity sa page 124. Wag silang palabasin hanggat hindi 12:00. Noted na ma'am." Ngumiti ngiti ang teacher sakin at tinapik ako sa balikat.

"Sige. Ikaw na bahala ha? Salamat." Tumango ako at ngumiti. Nautusan pa nga daw. Hay. Bubuksan ko na sana ang pinto para makalabas na ako ng tawagan ulit ako ng teacher.

"Yes ma'am?" Lingon ko.

"Naiwan ata to ni Ms. Vallegas. Ibalik mo na lang sakanya bukas ha? Sige. Umuwi ka na. Ingat sa daan." Wala sa sariling napatango ako pagkatanggap ng notebook na iniabot sakin ng teacher. Iisa lang ang kilala kong Vallegas na nasa room kanina. Hindi naman siguro siya no?

Kinakabahan kong tiningnan ang pangalan na nakasulat sa labas ng notebook. Charmaine Vallegas. Tama nga ako. Si Charm. Pano ko maibabalik to?

Tangna. Alam kong chance na 'to pero kinakabahan ako. Si Charm yun. Yung babaeng mahal na mahal ko. Tangina naman. Bahala na nga. Bahala na bukas.

Paglabas ko ng faculty room biglang bumuhos ang ulan. Patay na. Wala akong payong. At babalik pa ako sa room dahil nandon ang gamit ko. Hindi ko naman inaasahang tapos na ang classes bago pa ako makaalis sa faculty.

Pagkakuha ko ng gamit ko sa room ay siya namang pagtunog ng cellphone ko. It's from an unknown number. And it's weird.

Unknown :
Be safe when you get home.
Gamitin mo yung payong ha? 🙂

Napakunot ang noo ko ng nabasa ko ang message. Baka naman wrong sent lang. I ignored it and walked my way out of the school. Pero bago pa ako maka-labas ng tuluyan ng school. Tinawag ako ng guard.

"Psst. Hoy bata."

"Manong di ako bata."

"Ala eh ganon na din iyon tutoy. Eto pala. Payong. Gamitin mo daw ha?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng guard. Tinanggap ko ang payong kahit nagtataka ako. Sht. Sino kaya yung sender na yun?

"Salamat ho."

"Walang anuman. Humayo ka na't magparami." Sabi ni manong guard saka tumawa. Napa-iling na lang ako. Saka binuksan ang payong at naglakad papunta sa waiting shed.

Agad naman akong nakasakay at bago pa makalayo ang tricyle na sinasakyan ko. I saw someone waving at the guard while running in the rain without an umbrella.

Magkakasakit siya.

Seconds and minutes passed, nakauwi din ako. As usual walang tao. So I did what I always do. Change into comfortable clothes and eat while playing xbox. Nang tumunog ang cellphone ko, wala sa sarili kong kinuha iyon at tinapos muna ang laro bago basahin ang text. And I fcking regret it.

Charm :
Hello? This is Charmaine Vallega.
Is this Luigi Kantarias?

Luigi :
Hi Charm.
Yes. Ako to. Si Luigi.

Charm :
Ayun! Hahaha. Good evening. Sorry sa abala Luigi ha?

Luigi :
Di ka naman abala.

Charm :
Anyways, nasa 'yo daw yung notebook ko?

Charm :
Sorry sa abala talaga ha? Yun kasi yung notebook ko sa SC. It's very important!

Luigi :
Yeah. Nasa akin. Kailan mo kukunin?
Ayos lang naman kung kelan ka na lang available.

Charm :
Ay? Nako thanks ha! Medyo busy kasi eh. Sa dismissal na lang?

Luigi :
Sige puntahan na lang kita?

Charm :
Ay! Wag na! Pupuntahan ko naman si Theo. Teammate ka niya diba? Hahaha.

Luigi :
Ah oo. Si Theo.
Sige.

My whole night is ruined. Walang gana kong binagsak ang phone ko sa gilid at humiga sa kama.

Kailan kaya?

Kailan kaya magiging Luigi ang sinisigaw ng puso ni Charm. Hay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She Who Can't SeeWhere stories live. Discover now