Chapter 42

96 1 0
                                    

Kaizer's PoV

"Ikaw na magsabi," Bulong ni Lerwick. Nakatingin kaming dalawa kanila Ezekiel at Aemie. Si Aemie busyng-busy sa pagpa-plano, habang si Mr. Roswell naman ay tahimik syang pinapanuod.

"Wengya! Ikaw na, ikaw naman may gusto eh." Bulong ko pabalik kay Sebastian. May hawak akong walis tambo, si Lerwick naman may hawk na feather duster dahil pinaglilinis kaming dalawa ni Mr. Roswell ng buong hotel suite. Gago kasi 'tong si Lerwick. Kung pinalitan nya ng diaper si pareng Bullet, edi sana hindi kami naglilinis dalawa ngayon.

"May kalat pa dito, tss" Sabay naming ipinukol ang mga matatalim na tingin namin kay Boul na kanina pa nagkakalat. "Wengya naman 'tol! Linis kami ng linis, ikaw kalat ng kalat! Hanggang kailan mo ba balak apihin ang gwapo mong kaibigan?" Humawak ako sa dibdib ko at umarte na nasasaktan.

"Talaga Boul, nagpi-prisinta kang tumulong sa paglilinis?! Hooo syet! Napaka-buti mong kaibigan!" Hiyaw ni gago habang minamasahe ang likod ni Boul. "Bossing nadinig nyo 'yun? Si Boul na daw maglilinis ng buong hotel suite" Pangiti-ngiti pa si gago.

"Lerwick"

Anak ng! Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Sumimple na ako ng alis nung magsalita naman si Aemie. "Kaizer, Sebastian. Gusto nyo bang sumama sa


next game?" Hinigpitan ko ang hawak kong walis tambo. "Potek! Let's get it on baby!" 'Yan lang naman ang hinihintay ko eh.

"Woooo syet! Gustung-gusto Ms. Aemie!"

"Sige maglinis muna kayong dalawa" Pagkasabing-pagkasabi ni Aemie nun ay binilisan ko na ang pagwawalis. Pati 'yung ungas na si Lerwick ay mukhang ginanahan din sa pag-pupunas ng mga alikabok. Parehas kaming pursigido na matapos kaagad ang mga gawain.

Dahil ehem, sasabak na naman ang gwapong si Kaizer Maxwell Lamperouge sa bakbakan.

MHIAMB S2Where stories live. Discover now