Lover #66

16 2 0
                                    

format: Letter

Dear Dosari,

Hindi ko alam kung bakit nagawa kong sumulat. Haha. Ang cheap naman nito. Pero huwag mo na lang pansinin. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na, huwag kang mag-alala (kung iyon man) sa akin. Ayos lang ako. Pero hiling ko, maging buddy pa rin tayo kahit na wala nang tayo.

Gusto ko mag-usap pa rin tayo bilang magkaibigan. Mahal na mahal kita, alam mo 'yon. Kaya ibibigay ko sa iyo ang peace of mind na hinihingi mo. Nasasayangan lang ako sa halos tatlong buwan nating pagsasama, at sa mga alaala.

Pero paka-ingatan ko iyon. Itatago ko habang buhay sa puso. Kahit na lumipas man ang taon, at kapag papalarin, may alaala pa ring babalikan.

Salamat nga pala sa lahat. Ikaw ang naging inspirasyon ko para maging malakas araw-araw. Ikaw ang rason kung bakit nagpursigido akong makapag-aral kahit na mahirap.

Salamat sa mga ngiti, sa mga halakhak, sa mapupungay mong mga mata, sa malambing mong boses, sa buhok mong amoy mala-peppermint, sa lahat na ikaw. Salamat sa suporta noong tayo pa. Salamat at nakilala kita, Dosari.

Mahal na mahal kita.
Sana mahanap mo na ang sarili mo.
Hihintayin kita hanggang sa makapagtapos na tayo at lung pwede na.
Pero kung magbago man, tatanggapin ko nang buong puso.

Sumasaiyo,
John Uno <3

Buddy-Lover Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt