CHAPTER 1: WINTER'S EYES

184 15 62
                                    

TANGHALI na nang magising si Trevor, ang Alpha ng pinakakilalang pack na Stelvestre. He rules the strongest pack in the entire immortal world. Lumabas siya ng kaniyang bahay at agad naman siyang sinalubong ng kaniyang Beta na si Xndrix. Siya ay pinsan ni Trevor.

"Kumusta ang tulog mo, Alpha?" Alpha Trevor just nodded. "Siya nga pala, inaanyayahan tayo ng Hari para sa kaarawan ng kaniyang panganay. Sinabi kong ipaaalam ko muna sa iyo."

"Ihanda mo ang pack, pupunta tayo."

Ang haring tinutukoy niya ay ang hari ng mga lobo. Madaming sangay ang mundo ng immortal. May sangay ng mga bampira, salamangkero, mga lobo, sirena, diwata at iba pa.

"Mukhang may gusto yata sa iyo iyong anak niya. Natutunugan yata kasi nilang mag-ina na hanggang ngayon ay wala ka pang mate."

"My mate will come soon, Xndrix. I won't die and I will live forever in case she'll not appear. Huwag nating pangunahan ang itinakda."

Beta Xndrix shrugged his shoulders. "Naroon sa may talon ang mga Gamma at Omega. Naroon sila at naliligo."

Trevor didn't answer him. Kumuha siya ng isang baso ng strawberry juice at isang tinapay. Iyon ang agahan niya. Iginaya naman siya ni Xndrix sa may taniman ng ubas.

Malawak ang tirahan ng Stelvestre's Pack House. Sa kabuuan ay may ilang daang pamilya ang nasa ilalim ng pack. Sa kanlurang bahagi ng kanilang Pack House ay may isang mataas na talon at kuweba sa may gilid nito.

Tuwing tag-araw ay doon namamalagi sa talon ang mga cub at ang kanilang mga Ina. Trevor is a great Alpha for he makes his pack safe and strong. Many admire him as a leader, even the King of Wolves.

"Nagtataka rin ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ang mate mo, Alpha."

Trevor sighed. "If the Goddess Aaliah won't give me any, I'll live forever begging and waiting for my mate to come."

"Pwede namang convert someone to be your mate."

"It means the bond is illusion, Xndrix. Kahit siguro ikaw ay ayaw mo ng ginayang bond lang, hindi ba? Mas maganda pa rin iyong natural at orihinal na bond between mates."

"Ang conyo mo, Alpha." Napatawa na lang silang dalawa. "Bakit nga ba napunta sa mate ang usapan natin, Alph--"

"Alpha! Alpha! Alpha Trevor!" Isang batang lalaki ang humahangos na tinatawag ang Alpha. "Alpha!" Tumigil ang batang lalaki sa harap ng Alpha at Beta. Bahagya itong yumuko upang magbigay galang.

"M-may. . ." Malalim muna itong huminga bago magpatuloy sa kaniyang sasabihin. "May nakita pong sanggol s-sa. . . sa loob po ng kuweba, s-sa may talon. S-sabi po ng mga babaeng lobo sa talon a-ay isang lobong sanggol."

"A baby wolf?" Beta Xndrix asked the boy in surprise. "Ano ang ginagawa ng isang batang lobo sa isang kuweba?"

Isang binata naman ang may kargang isang bata sa kaniyang bisig ang dumating. Walang saplot ang sanggol at ang kaniyang buhok at manipis. Ang kaniyang pilikmata ay mahahaba at ang kaniyang labi ay nakanguso. Tulog ito sa mga bisig ng binata.

Kinuha ng Alpha ang sanggol at kinarga ito. He instantly feels something inside him that he can't name. It feels like something is building inside him.

"Natagpuan siya ng isang lobong babae kanina. Sinabi niyang ay nakarinig siya ng mahinang iyak kaya sinundan niya ang pinanggagalingan nito at natagpuan niya ang isang sanggol sa may kuweba."

"Sino namang ina ang aabandonahin ang kaniyang sariling anak?"

Beta Xndrix can't move on. Sinong matinong Ina ang iiwan ang kaniyang anak? Kung meron man ay bakit? Bakit niya iiwan ang anak niya? Kanoon na ba ito katapang para iwan ang anak niya?

Her Mate Is The AlphaWhere stories live. Discover now