Kabanata Labing Walo

15.2K 294 1
                                    

         "So saan mo gustong pumunta?" tanong ng binata sa kanya, nakatingin lamang siya sa malawak na syudad ng Paris bakatayo na sila sa labas ng Herrera de Hotel Y Restauranto na ngayon niya lamang nabasa ang pangalan nito. Hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga at nakangiting naglakad na sila papunta sa sasakyan na nakahanda para sa pamamasyal nila ngayon. 

         "Dito, gusto ko na muna pumunta dito" sabi niya sa binata ng nasa loob na sila ng sasakyan. Itinuro niya sa binata ang Saint-Eustache na nakalagay sa isang papel. Ang Saint- Eustache ay makikita sa  Île de la Cité, sa loob ng old Royal Palace courtyard. Tumango na lamang ang binata at sinabi sa driver na doon sila papunta. 

         "oui monsieur" sabi ng kanilang driver sa tono ng French. Hinawakan ni Hienz ang kamay ng dalaga at tinanong kung bakit sa lahat ng simbahan na nandito ay doon niya napili. "Well, sabi nga sa description dito na ang stained glass window show scenes of old and new testament. And look at this picture, it's beautiful especially when the sky is clear and when the sun goes down though I know na hindi naman natin iyon maaabutan kasi sandali lang naman tayo doon" which is true dahil gusto niya ding maglakad-lakad sa tuileries Garden para naman magkaroon sila ng time na magbonding ni Hienz tapos gusto niya ding pumunta sa DisneyLand Paris, nakita niya kasi sa google ang magandang palasyo ng disneylang kaya gusto niya iyon makita. 

         Ng makarating sila doon ay agad silang pumasok sa loob at gaya nga ng nasa description nito sa google ay maganda talaga dito at marami ding tao. 

         "Wow" bigla na lamang niyang nabulaslas. Magkahawak kaming silang naglakad ni Hienz habang siya ay patuloy padin sa kakatingin at hindi mapigilan ang pagkamangha. Natutuwa ang binata sa nakikita niya sa nobya. Para kasi itong bata na ngayon lang nakapunta sa isang lugar.

Matapos niyon ay pumunta sila sa parke upang maglakad-lakad na muna bago pumunta sa lugar kung saan gusto ng dalaga.

"Uh Hienz, paano kapag may malaman kang sekreto ko, iiwan mo ba ako?" napatingin sa kanya si Hienz at muling ibinaling sa daan ang atensyon.

"Depende naman kasi iyan sa mga sekreto mo pero mahal kita at tanggap kita kung ano ka pa man" sabi ng binata sabay akbay sa kanya, napapikit na lamang ang dalaga. Napapangiti na lamang siya at sinusulit na niya ang mga araw na kasama ang binata. Ilang araw nalang kasi bago siya aalis at ipapaubaya na niya ang binata sa totoong mahal nito. Kung sana lang hindi siya nagpakatanga para sundin ang utos ng magulang niya ay sana hindi siya hahantong sa ganito pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Andito na e, ginawa na niya.

Iyong maliit na decision niya sa buhay ay magpapabago ng buhay niya.. forever pero ni minsan hindi niya inisip na mahuhulog siya sa binata. Alam niya kasing mahal na mahal niya sa Darren pero nagawa paring palitan ng binata ang puso niya. Siguro kahit stable na ang nararamdaman niya kay Darren mapapalitan parin iyon kapag hindi siya ang right man para sayo.

Minsan nalilito siya sa sarili. Bakit nga ba siya nahulog na lamang sa binata? Ganoon ba talaga ang love? Walang pinipiling rason? Ang daya naman ata pero wala e. Ganoon nga talaga siguro.

Nagliwaliw na lamang silang dalawa ni Hienz, nood ng movie sa hotel, pumunta sa disneyland sa paris. Halos lahat ng lugar sa Paris ay napuntahan na nila pero syempre except sa Eiffel Tower.

"Hienz, hindi ba tayo pupuntang Eiffel Tower?" minsan'g naitanong ng dalaga sa binata. Ikaapat na nilang araw ngayon at nag-aayos na sila para sa dinner date na hinanda ng binata. Bukas ay pupunta na silang Italy at bukas din ang araw kung saan aalis ang dalaga.

Sana ay mapatawad mo ako

Bulong niya sa utak niya habang tinitignan ang binata na nag-aayos na din.

"Mamaya baby after nating kumain" tumango na lamang siya at tinignan ang mga gamit niya kung may hindi ba siya nakalimutan. Napapabuntong hininga na lamang siya sa kabang naramdaman niya. Hindi niya alam kung para saan ba ang kaba na ito pero alam niyang may maganda o hindi magandang mangyayari sa kanya mamaya.

Habang nag-aayos pa si Hienz ay kinuha na muna niya ang kanyang cellphone upang tawagan ang kaibigan kaya lang ay may tumatawag na pala dito. Isang unknown number. Hindi niya alam kung sasagutin niya ba ito o hindi dahil hindi na matigil ang kabang nararamdaman niya.

Napapikit siya bago niya sinagot ang tawag.

"H-hello?" nauutal niya pang sabi.

"I'm alive"

"Baby let's go?" agad niyang nabitawan ang cellphone na hawak niya ng sabay na mag salita si Hienz at ang babaeng kausap niya. Namumutla na siya sa kaba. Hindi niya alam kung bakit pero isang desisyon ang namutawi sa utak niya.

Ang umalis na hangga't maaga pa, pero ayaw naman niyang iwan na lang basta-basta ang binata.

Habang kumakain ay hindi parin mapigilan ni Allanah ang mapaisip kaya naman ay nag-aalalang tinignan ng binata si Allanah.

"Are you okay?" tanong nito gamit ang nag-aalalang tinig. Uminom na muna siya ng tubig bago tumango at ngitian ng pilit ang binata.

"I am don't worry" sabi nito sabay ngiti ulit ng pilit. Habang kumakain ay nag-uusap lang sila ng binata tungkol sa maaring plano nila sa pagpunta sa Italy, halatang excited ang binata habang ang dalaga naman ay napipilitang ngumiti na lamang. Nahahalata iyon ng binata kaya napapangiti na lamang siya ng may maisip siyang plano.

Pagkatapos kumain ay dumiritso na sila sa pupuntahan nila. At pagdating ng dalaga doon ay nabigla siya ng makita ang isang boquet at mga petals na nakalatag.

"Alliana" napatingin siya kay Hienz ng binaggit nito ang pangalan ng kakambal. Ngayon niya lang ulit nadinig iyon mula sa bibig ng binata— sa bibig ng kanyang mahal. Lumapit ito sa kanya at ang ikinabigla niya ay lumuhod ang binata. At pinakita ang isang singsing. Napasinghap siya sa sunod na ginawa ng binata. Isinuot nito ang singsing sa kanyang daliri.

"Marry me" alam niyang hindi na niya mahindian ang binata. Napapikit na lamang siya at wala sa sariling tumango. Alam na naman niya na sa oras na umalis siya ay ikakasal na ang dalawa. Papunta na ang kapatid niya dito at sa oras na iyon kailangan na niyang umalis.

"I love you" pukaw atensyon sa kanya ng binata. Napangiti siya at hinawakan ang kamay ng binata.

"I love you too" sabi niya at hinalikan ang binata. Total ay aalis na naman siya, she will give herself a reward.


The Surrogate Girlfriend (Run Away Series #1)Where stories live. Discover now