Work

18.1K 313 5
                                    

Patricia’s POV

After 3 years …

“Sa kompanya nalang natin ikaw magtrabaho.”

“Mommy, ayaw ko. Ayoko naman na magkaroon nang working experience sa company natin. Walang challenge yun, kasi kahit hindi ako mag aral alam ko naman na tatanggapin niyo ako sa kompanya natin”

Kinukulit ako ni Mommy na magtrabaho sa company namin.

Ayoko kasing sa company namin. Walang thrill yun.

“Sigurado kaba? Naghihire pa naman ako ngayon. At iisang position nalang yun. Kapag nakakuha na ako wala ka nang pwedeng mapwestuhan sa kompanya natin”

“Sigurado ako diyan Mommy.”

Lumabas naman mula sa kwarto si Anne. Kakagising niya lang.

“Ang aga aga nag sisigawan na kayo diyan”

“Grabe ha? Sigaw talaga? Hindi ba pwedeng nag uusap lang kami ni Mommy.”

“hehe xD ano ba kasi yang pinag uusapan niyo?”

“Ito kasing si Mommy gusto na sa company natin ako magtrabaho, eh ayaw ko naman!”

“Bakit ba ayaw mo? Eh for sure hindi ka naman mahihirapan dun”

“Sigurado ako nu? Saka cant you see” tumayo pa ako at umikot na parang model sa harap nila. “Im ready para maghanap nang trabaho”

Tumingin si Anne kay Mommy at hinawakan ito sa magkabilang balikat. “Mommy sa tingin ko, hindi mo mapipilit itong si Pat sa gusto mo. Alam mo naman kung ano ang gusto niyan gusto niyang nakukuha sa sarili niyang sikap”

“ayyyst! May magagawa ba ako? Eh pinag tutulungan niyo na akong magkakambal diyan”

Nag wink sakin si Anne. Tapos lumapit ako sa kanila.

“wooooh! Group hug!” sabay na niyakap ko sila.

Pagkatapos nang mga nangyari mas naging close kami nila Mommy :) at masaya ako nangyari yun. Thank God! Pero may isang tao naman ang nawala sakin.

“So pano ba yan? I have to go! Aalis na po ako Mommy” sabay na nag beso beso ako saknilang dalawa.

Sumakay na ako nang kotse ko. At ready nang mag apply sa bagong company.

May nakita na akong company. Nakapag appointment na rin ako kaya sa ngayon. Yeah! Interview, hehe xD excited na talaga ako.! My first job kapag natanggap talaga ako dun.

“Goodmorning” bati sakin nung guard.

“Goodmorning” bati ko naman.

Sumakay ako nang elevator at pinindot ang 4th floor.  Sa 4th floor daw yun eh.

Mag aapply kasi ako as a secretary. Okay na rin yun kesa wala. Saka ang kailangan ko rin naman ay experience para makahanap ako nang mas the best na company.

H.R Office

I took a deep breath. Bago ko buksan ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ko nang Makita kong sino ang nakaupo doon.

“Its you?”  pareho naming nabanggit.

“kaya pala pamilyar ang pangalan mo, Its really you.”

“Yeah! Nice to see you again Michelle Torio :)”

Si Michelle Torio, Kilala niyo ba siya? Siya yung nerdy girl sa Ashamed :) .

Ang pinakamatalino talaga sa school. At laging inilalaban nun sa ibat ibang school.

“Nice to see you again Miss Patricia Celestial.”

“haha xD so youre the boss here?”

“Nope. Im just a proxy. Ako lang yung napag utusan na mag interview. Kasi yung real boss natin ay usually nasa ibang bansa may inaasikaso at I guess Monday pa balik nya.”

“Talaga? I guess hindi ako kakabahan sa mga question mo. Hehe”

“No need to worry!”

Nagsimula na kami na mag interview. Nasagot ko naman nang maayos lahat nang natanong sakin.

“tatawagan nalang kita kapag na approve nang boss ko yung profile mo ha?”

“Okay sige! Thank you!”

Umalis na ako nang building at dumiretso na rin ng uwi.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita kong nakaupo sa sala si Anne at si Raine.

Matagal na rin sila. balak na rin yata nilang magpakasal. Buti pa sila.

Nanunuod sila sa sala nang love movies. Tapos maya maya nag aagawan na sa popcorn na kinakain nila, Tapos nagbatuhan.

“Ayyst, umalis nga kayo sa harap ko” sabi ko sa kanila.

Sabay nag walk out ako.

Hindi ako nagseselos katulad nang iniisip niyo. Bitter lang siguro ako kasi wala akong lovelife. Kahit fling wala na rin. Nawalanan rin ako nang gana na makipag flirt with other girls.

“Problema nun?” tanong ni Raine.

“Hayaan mo yun, namimiss lang nun si Gretta. HAHA XD”

Pataas na ako nang hagdan nun, pero narinig ko pa rin.

“Wag niyo ngang banggitin ang pangalan na yan!!!!” Sigaw ko sa kay Anne.

Tumawa lang si Anne. Kahit kelan talaga, lagi nya nalang ako inaasar.

Dumiretso na ako nang kwarto ko at saka nahiga sa kama ko.

Haay! Gretta.

Kumusta na kaya siya?

May girlfriend na kaya siya ngayon?

Ano kaya pinagkakaabalahan niya ngayon?

Bakit ko ba siya iniisip? Baka mamaya hindi niya naman pala ako iniisip.

Bakit ba kasi ako nalang lagi yung naghihintay sa wala.

Kasi yung totoo umaasa pa rin ako.

But now….

Itatatak ko sa pader nang kwarto ko na hindi ko na siya iisipin.

You're My BOSS (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon