5

1.1K 60 2
                                    

"WHERE ARE you going, Nate?"

Nakadama ng iritasyon si Nathaniel. Pangatlong beses na iyong itinanong sa kanya ni Merylle. At kanina pa ay sinagot na niya itong sa San Miguel siya pupunta. Alam niyang hindi ito bingi. Nagbibingi-bingihan manapa.

"I'm going to San Miguel," nagpipigil ng pagkapikon na sagot niya uli dito. "Ilang araw din akong doon muna. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik," sabi na rin niya dahil alam niyang iyon din ang kasunod na itatanong nito.

"Saan ba iyang San Miguel na iyan? Puwede ba kitang puntahan diyan, Nate?" ang huling pangungusap nito ay nalakipan ng lambing. "I'm going to miss you, darling. Hindi yata ako makakatagal na hindi kita nakikita. Hindi kita aabalahin kung anuman ang gagawin mo diyan basta payagan mo lang ako na sundan kita."

Napailing siya. Ang tono ni Merylle ay tila baga mami-miss nga siya nito nang husto gayong kapag ito ang nagtutungo sa abroad upang magliwaliw ay nakakatagal ito ng kahit isang buwan at maaalala lang siyang tawagan kapag nakabalik na ito.

"Maiinip ka lang sa San Miguel, Merylle. Or worst, mamatay ka sa boredom. The life there was so slow. Alas otso pa lang ng gabi ay tahimik na sa paligid, tulog na ang mga tao. Alam mo na ang ibig kong sabihin."

"Okay. At tiyak, hindi ka na naman makokontak. Ewan ko ba kung bakit kapag doon ka pumupunta ay pinapatay mo ang cellphone mo. "

"Kailangan ko ng konsentrasyon sa pagsusulat," tipid na wika niya.

"Tawagan mo na lang ako kapag pabalik ka na sa Manila," sabi nitong ipinahalata sa kanya na sumama ang loob. "Bye."

Merylle was his girlfriend for almost a year now. Nakilala niya ito noong magpa-Christmas party si Pedro sa kumpanya nito. Siya lang ang nakarating sa kanilang magkakaibigan palibhasa mayroon siyang nobelang isinusulat na may kinalaman sa computer technology.

Anak si Merylle ng isa sa mga stockholder. Aminado itong hindi mahilig magbasa ng libro pero nang malamang siya si NR Cordero—ang kanyang pangalan sa panulat ay hantaran itong nagpakita ng paghanga. Siya pa lang daw ang author na nakilala nito ng personal.

Si Merylle din ang unang kumontak sa kanya matapos ang party. Maganda si Merylle at edukada. Inimbitahan niya ito sa isang dinner date. At nasundan pa iyon hanggang sa maging magkarelasyon na sila. Walang pormal na ligawan. At lalong walang sabihan ng I love you. Basta alam nila, mag-boyfriend sila—ginagawa din nila ang gawain ng mag-boyfriend.

Napakakaswal ng relasyon nila. Walang commitment sa isa't isa. Walang nagbubukas sa kanila ng paksa tungkol sa kasal. Kapag magkasama sila, ang usapan nila ay ang trabaho niya at ang mga pinagkakaabalahan ni Merylle, karaniwan ay ang mga escapades nito sa abroad. Hindi ito nagtatrabaho. Ipinanganak yata ito na hindi kailangang magtrabaho. Masyadong masipag ang mga ninuno nito na kahit yata ang mga magiging apo ni Merylle ay mabubuhay nang masagana dahil sa mga kabuhayang naipundar nito.

Maayos naman ang relasyon nila ni Merylle palibhasa ay walang pressure. Magkasundo sila sa maraming bagay pero dumarating din ang pagkakataon na nagkakaroon sila ng mga argumento.

Malambing si Merylle, ang kaso nga lang ay may kakulitan din ito. At ang kakulitan nitong iyon ang madalas na nagdudulot ng iritasyon sa kanya. At madalas din naman na ang ipangulit sa kanya ni Merylle ay ang pagnanais nitong sundan siya sa San Miguel.

At palagi na ay hindi rin naman siya pumapayag. Sanktuwaryo niya ang bahay na iyon sa San Miguel. Isang matandang bahay na itinayo noon pang dekada kuwarenta. Noong kunin siya ni Justo Cordero sa LCA, doon siya dinala ng biyudong lalaki sa San Miguel.

Hindi naman siya legal na inampon nito. Ilang buwan bago ang tamang edad ng pagbibigay-laya sa kanila ng ampunan, nakilala niya si Tatay Justo. Ito ang naging foster parent niya sa loob ng dalawang linggo noong buwan na iyon ng Disyembre.

LA CASA DE AMOR - NATHANIELWhere stories live. Discover now