Prologue

3 0 0
                                    

"Naku gumising ka ng bata ka malelate ka sa school anak"

Hay another day,gusto ko pa sana matulog kaso di ako pwedeng malate ulit ngayon.

"Yes po ma, gising na po" Sabi ko sa maganda kong mama.

Naligo na ako at nagpalit pagkatapos, super excited na ako makasama yung mga makukulit kong friends haha syempre joke lang ako kaya pinaka makulit, pinaka madaldal at syempre pinaka maganda, hehe.

Nakabihis na ako ng bumama ako sa kusina.

"Naku ikaw Shai Shai ah,nalate na naman gising mo" bungad ni mama na nagpatawa sakin.

"What's new ma?Tulog mantika naman yan" Sabi naman ng pangit kong kuya, atsaka umirap.

Hinalikan ko nalang ang pisngi ng dalawa habang nakangiti  parin, sarap talaga magising pag itong dalawa ang bubungad sayo.

"Good morning nak,kumain ka na dyan at ihahatid ka na ng kuya mo" sabi ni mama at hinalikan na ang noo ko at pisngi ni kuya.

"Una na ako mga anak ingat kayo ha?" Sabi ni mama at umalis na para sa trabaho nya.

Nagtratrabaho si mama bilang sekretarya sa isang kumpanya. Kailangan niya kase magtrabaho para sakin pati na din si kuya na isang ng engineer.sana all.

Ang swerte ko sa kanila kahit wala na ang papa,namatay kase si papa dahil sa sakit sa puso noong seven years old pa ako,pero di naman mahirap yung buhay namin. Masaya parin ako sakanila.

Hinatid na ako ni kuya sa school pagkatapos ko ulit mag ayos.

"Ingat ka ShaiShai ha?just call me if something happens" Saad ni kuya tsaka hinalikan ang noo ko.


"Opo naman kuya,promise po" saad ko ng nakangiti.

"Okay princess,go now you might get late again like last time" may diin na sabi nya pero nakatingin diretso sa daan.

Tumawa ako ng mahina,naiilang.


Hinalikan ko ang pisngi ni kuya bago bumaba sa sasakyan niya. "Bye po kuya" sabi ko at nagwave.



"Hi Charm Good Morning!" masayang greet ko sa isa sa mga bestfriends ko, Si Charmelle Sandejas.

"Hi,Morning" matipid na sagot niya, tahimik yan at parang masungit yung aura pero friendly and super bait naman.

"Saan yung iba nating friends beh?" tanong ko sakanya pero parang cloudy ata ng isip niya at parang may malalim na iniisip.

"Liyan in her school already, Kayi is in the library as usual and the rest, I don't know maybe di pa dumdating." Nagbikit balikat siya. huhu englishero kasi sila nina Reiven,Liyan atsaka ni Kayi, pati si kuya na mana kay papa, kami nalang ni Kiara yung talagang Pilipino at mapagmahal sa Lengguahe natin...haha joke.

"Oh,hey guys and wow! Shai, your early" The Great Reiven Rivera said with a chuckle, Gagong to! Dumating na siya kasama si Kiara for short Kia hehe.

Sinamaan ko siya ng tingin tapos binatukan, medyo "ouch,Shai what was that for?" reklamo niya na parang bata.

"Hoy Ribrib,kahapon lang kaya ako medyo late" sabi ko ng maarte hehe,btw nickname niya yung Ribrib.Second day kasi pa namin ngayon sa 1st year college. kaya 18 years old pa kami.

"What 'medyo'?" saad niya na sarkastik at diniin niya ang 'medyo'. "wow! Shai the class is almost about to end when you came" sabi niya at tinawanan nila ako ng lahat,nammis ko tuloy si Liyan, siya lang kasi kakampi ko sa mga demonyong to.

Breaking RA 9262 (Nuggiez Series # 1)Where stories live. Discover now