Prologue

7 0 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual  events is purely coincidental.

Tis is my first attempt to write a story so bear me and expects a lot of errors, feel free to correct it:)

****

"Nakilala mo na ba nagpapadala sayo ng mga sulat?" bungad na tanong ni Maui nang mailapag ko ang mga gamit ko sa couch.

Kauuwi ko lang galing school. Anong oras na rin dahil hinabol ko pa ang plates ko na hindi ko napasa noong mga nakaraan nang dahil sa nangyari sa amin ng ex ko at hanggang ngayon ay may nag-iiwan nang sulat sa locker ko na hindi ko alam kung sino.

"Hindi pa" kibit balikat na sagot ko at sumunod sa kusina kung saan nanggagaling ang boses ni Mayi. "Kilala mo?"

Binaba ni Mayi ang hawak nitong pitsel at humarap sa gawi ko.

Tinaasan ko ito nang kilay nang titigan lamang ako nito na tila hinihintay na may sabihin akong kung ano.

"Sigurado ka?"

Tumango lamang ako at nangalumbaba.

"Imposible baklita ka."

Muli ay hindi ako nagsalita at tinignan lamang siya nang maupo sa tabi ko. Sinundan ko lamang ito nang tingin at nagsisimula nang magtaka.

"Bakit ba?" I frown.

Umayos ito nang upo at iniharap sa akin ang upuan niya at tinitigan ako.

"Kasi kanina nung pauwi na ko at papunta na sana sa locker ko para iwan yung ibang libro, parang nakita ko si Haru na paalis galing sa locker mo." pagkukwento nito. "Hindi kaya siya ang nagbibigay sayo ng letter?"

Tila ba napatigil ako ng ilang saglit nang marinig ko ito.

Alam ni Mayi kung ano ang mararamdaman ko kapag nakarinig ako ng kwento na tungkol kay Haru. Ilang buwan na simula nang maghiwalay kami at ilang buwan na rin nanahimik si Mayi sa pagbanggit ng pangalan ng ex ko kaya alam ko na hindi niya ito sasabihin kung hindi totoo.

Natauhan ako nang isa-isang magsibalik ang ala-ala namin na iniiwasan ko.

"Ano ka ba? Alam mo namang hindi na ako ang mahal no'n." walang ganang sagot ko rito "Alam mo namang si Klare na at isa pa malabo pa sa mata mo na mangyari 'yon."

Napangiti ako nang mapait nang maalala ko lahat.

Hanggang kailan kaya ako tatakas sa mga ala-ala namin para hindi makaramdam ng sakit?

Inaayos ko nang muli ang sarili ko nang masira ako kasabay ng pagkasira ng relasyon namin at hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatakas sa lahat.

"Pero paano nga kung siya talaga?"

Tinapunan ko nang saglit na tingin si Mayi at tumayo na para ipasok ang mga gamit ko sa kwarto.

"Tanga matagal na kaming tapos imposibleng siya." sigaw ko mula sa sala kasunod ay naririnig ko na ang pagsunod ng kaibigan ko sa akin "Pinagmomove on mo ako tapos ipapaala mo, ganiyan ba ang epekto ng numbers sa accounting ninyo?"

Nakita ko pa na umirap ito kaya pumasok na ako sa kwarto.

"Kapag talaga nalaman ko na pumayag kang bumalik iyang magaling mong ex tatanggalan na kita ng likod kahit kaibigan kita."

Umiling ako at napangisi nang marinig ko ang sigaw nito.

Ipinatong ko na muna sa kama ang bag ko pati na rin ang canister ko nang mapansin si Octo. Napangiti ako.

"Kamusta na kaya siya ano, Octo?" parang sira na pagkausap ko sa stuffed toy na bigay ni Haru.

"Masaya na kaya siya? Sana oo." napatingin ako sa bintana na tanaw ang langit na puno ng bituin "Kasi kung hindi, hindi ko na alam. Gusto ko lang naman na makita siyang masaya."

Binaliktad ko ang stuffed toy na si Octo sa malungkot na parte na tila ba ay dinadamayan ako.

"Kahit hindi na ako kasama sa kasiyahan niya na iyon." huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana "Pero imposible, hindi naman siya biga mawawala kung hindi 'di ba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He Fell First But She Fell HarderWhere stories live. Discover now