Chapter 25

94 1 2
                                    

Dedicated to my coVIP BlengArcots. You will know why later. XD

--------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 25

Brian’s POV

Uwian na, kaya pinahanap na sakin nila hyung si Troy hyung. Naman kasi yung lalaking yun kung san san nagpupunta eh! Tapos porket ako yung bunso sa kanila dapat ako taga-hanap! Nakooooooo nakakainis talaga silang lahat! Pasalamat sila at napakabait kong bunso. Haaaaay.

Tsaka... Kanina ko pa napapansin na sobrang iba siya eh. Ayaw naman magkwento ng tungkol sa date nila ni Carmi. Basta tahimik lang siya kanina. Bakit kaya? Ano kayang nangyari dun sa date? Fail ba???

Tsaka nasan na kaya si Troy hyung? Kanina ko pa din siya hinahanap eh, mga 10 minutes ago pa. Oo matagal na talaga yan sakin. Madalas kasi kapag hinahanap ko siya nakikita ko siya agad, hindi dahil hindi siya marunong magtago, pano ba naman kada may nawawala samin ako pinapahanap nila kaya ayun, kabisado ko na mga tinatambayan nila kapag nawawala ang isa sa kanila sa paningin namin.

Pinuntahan ko na din lahat ng pinagtatambayan niya pero wala siya kahit saan. Nagpunta din ako sa boy’s cr sa lahat ng floor pero wala pa din. Nagpunta akong canteen, twin tree, pavilion, clinic, principal’s office, faculty room, library, physics lab, chem lab, speech lab at kung anu-ano pang lab pero wala pa din siya. Pinakahuli kong pinuntahan yung park na malapit sa school. Yun kasi yung pinakamadalang na pinupuntahan ni hyung eh, pwera na lang kung may babae siyang kasama. Masarap daw kasi makipaghalikan dun kasi nakikita ng lahat ng tao. Ewan ko ba kung bakit masarap, hay siguro kulang lang talaga ako sa experience pag halikan yung usapan. Eh alangan namang pagpraktisan ko si Dianne. No thanks na lang no, nirerespeto ko kasi siya eh.

Hay nako, itigil na nga tong topic na to at magfocus na lang kay hyung. Lagot kasi talaga ako dun sa tatlo kung hindi ko mahagilap si hyung, siguradong batok ako dun sa mga yun. Kaya ayun, halos hagilapin ko talaga yung buong park sa paghahanap ko sa kanya. Halos lang, kasi nakita ko siya sa may isa sa mga benches dun malapit sa may fountain na maliit. Nakaupo lang siya, nag-iisa. Hay parang himala kasi nag-iisa lang siya... o kaya baka inutusan niya nanaman yung kasama niya na bumili ng pagkain kasi nagugutom na siya.

Agad-agad ko siyang pinuntahan. Tapos tinawag ko siya, pero hindi niya ko pinansin. Kinalabit-kalabit ko pa siya, pero hindi niya talaga ako pinapansin. Nakakainis na to ah, pinagod ako sa paghahanap tapos ganito? Hindi pa niya ako papansinin?! Nako naman talaga!!!

“Ui hyung, pansinin mo naman ako oh. Ano ba naman yan, napagod ako kakahanap tapos hindi mo ko papansinin??” Kinalabit ko pa siya ulit. “Hyung.... tinatawag na tayo ni Priam hyung umuwi na daw tayo magrerecord pa tayo...”

“Ayoko magrecord.” Haaaay sa wakas nagsalita na din! Kaso anong sabi? Hindi siya magrerecord?

“Hyung naman! Diba excited tayong lahat dito? Bakit ngayon ayaw mo???”

Nakangiti ko pa yung sinabi sa kanya, pero parang ayaw niya talaga ako sa harap niya. Tumayo kasi siya agad at inabot ang kwelyo ng uniform ko, “Ano bang problema mo?! Sinabing ayoko hindi ka ba makaintindi ha???!!!”

Hindi na ako nakasagot. Tinignan ko na lang siya sa mukha, galit na galit talaga siya sakin. Ewan ba kung bakit siya ganito ngayon. Hindi naman siya ganyan dati eh. Unang beses niya akong hinawakan sa kwelyo. Nakakatakot siya ngayon, pero kung sapakan yung gusto niya hindi ko siya aatrasan. Hindi porket mas matanda siya sakin, eh magpapabugbog na ko. Hindi ako makapapayag nun.

“Itigil mo nga yan, Troy hyung.” Tumingin ako sa may kanan ko, si Cid hyung. Buti na lang, hindi na dadanak ng dugo dito. May referee na kami. Gaya nga ng sinabi ni Cid hyung tinaggal na ni Troy hyung yung mga kamay niya sa kwelyo ko. Si Cid hyung naman lumapit saming dalawa. “Ano bang problema mo hyung?”

I Found My PrinceWhere stories live. Discover now