Chapter 4

1 1 0
                                    

Read at your own risk

Shan POV

"Mas masarap yung rocky road " suggests ko kay nirhem, kanina pa kami dito sa 7/11 pero hindi namin alam kung ano ba masarap

"Bilhin na lang kaya natin lahat?" Nagulat naman ako sa sinabi nya

"Seryuso ka dyan? isa na lang 'yung rocky road oh, so it means mas masarap s'ya " saad ko

"Hmm okay, yan na lang" kukunin ko na sana yung ice cream nang biglang may kamay na kumuha nito

"Ako na una, kaya akin na 'to" nakangising saad nya bago kami talikuran

"Ito na la-"

"Hoy clyde!" iniwan ko si nir sa may fridge at sinundan si cylde sa counter

Binigay na nya sa cashiered yung atm nya kaya naman dali dali kung kinuha yung ice cream na nakalapag sa counter at nilapag dun 'yung limang daan

"Keep the change " nag wink pa ako dun sa cashier at patakbong lumabas sa 7/11

Agad namang sumunod sa'kin si nirhem na tawang tawa sa ginawa ko, natulala pa daw si clyde dahil nagulat

"Gagawin talaga ang lahat para sa ice cream ah" natatawang saad nya kaya napa nguso naman ako

Andito kami ngayon sa maliit na park malapit sa court, rinig dito ang pag hampas ng bola sa sahig at pagtama sa bakal ng basketball ring

"Same village lang kayo ni clyde?"

"Yup, nakalimutan ko rin sabihin sa'yo na magkapit bahay lang kami"

Halos mabilaukan ako sa sinabi ni nirhem at ngayon lang nakaramdam ng hiya

Flashback

"Gumagana ba 'tong mic n'yo?" Nasa rooftop nila kami ngayon, hindi naman mainit dahil may bubong, parang bar area lang style

Yayamanin nirhem nyo

"Oo, kanta tayo?" Tumango naman ako

Huling karaoke ko nung birthday ni sage, halos mabasag lahat ng pinggan nila sa bahay dahil sa panget daw boses ko

Sabi naman ni sage joke lang daw yun dahil maganda talaga

"Hello, mic check? Mic check, mic check si clyde na mukang cheese " saad ko

Tumawa naman ng malakas si nirhem na parang wala ng bukas

Bigla na lang lumapit yung maid nila kay nirhem at may binulong na mas lalo nyang kinatawa

Baliw?

End of flashback

"Nakakahiya ka hahahahahha" sinamaan ko naman sya ng tingin

"Ba't hindi mo kase sinabi na magkapit bahay pala kayo" naka ngusong tanong ko

"Hindi ka naman kase nagtatanong"

"Eh kung batukan kita?" Pananakot ko

"Edi batukan mo, sasabihin ko kay chase na gus-"

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at sinubuan ng ice cream

"Subukan mo lang sabihin yan, papakainin kita nang isang galon na ice cream"

"Defensive ah" mapang asar na saad nya

"Hindi ko naman kase s'ya gusto " pagpapaliwanag ko

Chase meWhere stories live. Discover now