C H A P T E R 4

116 11 0
                                    

“KUYA . . .”

Si Hanna lang ang nakapagsalita sa aming lahat. Napalinga-linga na lang ako sa paligid para maiwasan ang mga mata ni Hans. At patungkol naman sa sinabi niya . . . ‘di ko maiwasang ‘di matuwa roon. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng isa pang kakampi bukod kay Ate Mathelda.

“Kumain na ba kayong lahat? I bought boxes of pizza for us,” he says without taking his orbs on me. “Waz, don’t worry as I’ll investigate about what happened earlier. Huwag kang masyadong mag-alala. You’re safe here.”

Parang bata akong tumango.

“. . . and Selena, I bought new phone for you. I am sorry kung hindi ko naibigay nang mas maaga.”

Napatitig ako kay Selena na na-gui-guilty na yumuko. “S-Salamat. Nabigla lang talaga ako kanina kaya kung ano-ano na ang pinagsasasabi ko. Pasensya na . . .”

“You should say that to Waz,” he utters.

“Hindi, okay lang talaga! Naiintindihan ko naman.” Nginitian ko si Selena. Nalungkot ako noong hindi man lang siya ngumiti pabalik pero bahala na.

“Can I go in?” napatingin akong muli kay Hans nang magtanong siya. Tinutukoy niya ang kwarto ko.

Kasabay nang pagpasok naming dalawa ang pag-alis ng magkakapatid. He gracefully puts his hands on the side of his pockets as he marches towards the window. Hindi naman amoy bulaklak ang kwartong ‘to at ‘di rin naman mabaho kaya kampante na ako.

Matangkad siya, kaya kailangan niya pang yumuko nang todo para ma-lebel ang tingin sa labas ng bintana. Pero ‘di ko naman siya narinig na umangal. Sa halip ay makikita sa mga berdeng mata niya ang pag-aalala habang nakamasid sa poste.

“Diyan ko siya nakita kanina . . . ‘Yong lalaki.”

Isang beses siyang lumingon sa ‘kin, at halos ikagulat ko na ‘yon.

“I am sorry. Nagulat ba kita?” Natawa siya nang marahan.

“Okay lang. Magugulatin talaga ako.” Tumawa rin ako at inayos ang mukha. “H-Hmm, ‘yong letter pala, ang totoo niyan ay napunit ko na kanina. Kinabahan kasi ako at ‘di ko napigilan ang sarili na i-flash ‘yon sa inidoro.”

Natawa na naman kaming dalawa sa ‘di matukoy na dahilan. Saan ba ang nakakatawa sa sinabi ko? Sa parte na ni-flash ko sa inidoro ang letter?

“Isa talaga ‘yon sa mga dahilan kaya pumunta ako rito. Pero I have left with no choice but to accept the fact that you already dumped it.”

Bumuntong-hininga siya. Ngayon lang din ako nakaramdam ng paghihinayang. ‘Yong sinayang ko kanina ay puwede maging pruweba kung sakali na mahuli namin ang lalaki na ‘yon.

“Stop blaming yourself, though. Maghahanap tayo ng ibang paraan para malaman kung sino ang lalaki na ‘yon.”

Napatitig ako sa kaniya lalo.

He tilts his head in another side, amused. “What now?” and laughs.

“B-Bakit ka pala alalang-alala sa kaligtasan ko, Hans?” Go, Waz, kaya mo ‘yan. “Ang ibig kong sabihin ay pwede ka namang mag-hire na lang ng tauhan kaya . . . K-Kaya naisip ko na pwede rin naman na ganoon na lang ang gawin mo para ‘di ka na maabala, ‘d-di ba?” Hindi ba?!

“Hindi naman ako naaabala. Hindi ko na rin naisip na mag-hire like what you’re thinking. I like to personally do some things.”

Hindi na ako nagtanong pa. Tahimik lang siyang umupo sa kama kagaya ko. Tinanong niya pa nga ako kung gusto ko pa bang magpatuloy sa pag-aaral. Hindi ako nakasagot pero halatang ramdam niya na gusto ko; gustong-gusto ko.

Chained Scars (AS#6) ✔Where stories live. Discover now