02

15 6 0
                                    

Naglalakad na kami pauwi sa bahay ni lola hindi na rin ako makapag-hintay na makita si lola.

Nang makarating na kami sa harap ng bahay agad kong nakita ang malalaking ngiti na kay tagal kong hindi nakita simula ng umalis ako dito.

"Hay ang apo ko mas lalong gumaganda"pang bobola ni lola.

"Si lola nambola pa"natatawang sabi ko,uto uto pa naman ako.

nakita ko si mama na may ngiti abot hanggang tenga at mga matang nagniningning.

Kahit papaano na miss ko rin si mama lumapit ako at yumakap,mahigpit akong niyakap ni mama narinig ko pa syang suminghot matagal ko ng napatawad si mama pero di pa ako ready tanggapin sya ulit.

Bumitaw si mama ng hindi ako tinignan dahil pinapahid nya ang kanyang luha kumawala sa kanyang mata,inang sabik sa kanyang anak.

"Halina na kayo at pumasok tayo'y kakain na"anyaya sa amin ni lolo niyakap ko rin si lolo dahil ilang bwan rin kami hindi nagkita.

Nasa hapag kami nang magtanong si lola sa akin.

"Kamusta ka na apo?hindi ka pa nalulungkot doon?"tanong ni lola nakita ko rin ang pag-aalala nya sa mata nya.

nilunok ko muna ang sinubo kong kanin bago magsalita,"Ano ka ba lola syempre ok lang ako don atsaka masaya don lola dahil may mga kaibigan ako don at may mga puno sa likuran"mahabang ani ko kay lola.

"Sigurado ka bang gusto mo don kung ayaw mo doon pwede ka naman bumalik dito mas maalagaan kita dito apo"disidido talaga si lolang pabalikin ako dito.

Hindi alam ni lola ang totoong dahilan kung bakit ako umalis dito pero alam kong nahahalata nya yun.

"ok lang naman po ako don lola wag kang mag-alala atsaka kaylangan may tao rin sa condo ni kuya para malinisan at mabantayan"isa rin yun sa dahilan ko para masanay na rin akong walang kasama hindi sa lahat kailangan nakadepende ako kay lola o kanino man.

"Kung yan ang gusto mo hahayaan kita basta pag-nalulungkot pwede kang bumalik dito"tanging tango na lang ang naging sagot ko napansin ko rin si mama kanina na parang may gustong sabihin pero pinigilan nya lang ang kanyang sarili.

natapos ang kainan si mama na ang nagprisentang magligpit ng kinainan.

mama ng mama ko si lola ko.

Umakyat na rin ako sa taas at binuksan ang bintana sa kwarto ko para damahin ang malamig na simoy ng hangin.

nasa malapit ng oalayan ang bahay namin kaya masarao ang hangin at kitang kitang mo syudad mula dito sa kwarto ko.

Ito rin ang naging dahilan ko kung bakit nag-dadalawang isip akong umalis dito pero pinagpasyahan kung umalis na lang para masanay ang sariling walang kasama.

Dalawang araw akong magi-istay dito dahil sabado na bukas makakapag-pahinga pa ako dito at makakapag-aral na din.

bago kami umuwi dito nagsabi ako kay valter na dumaan muna sa condo para kumuha ng gamit at di na nagpalit ng uniform deretso na rin pasok sa lunes.

Hindi sa kalayuan may nakita akong lalaki na nasa bakuran nila parang dito nakaharap pero hindi ko na yan binigyan pa ng pansin agad ko ng sinarado ang bintana dahil nakaramdam na ako ng antok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

From the startWhere stories live. Discover now