CHAPTER 14

8.1K 222 5
                                    

Sapphira POV

Hindi ko alam kung saan pumunta si draven at kung ano ang ginagawa niya ngayon pero hindi naman ako pwede na umupo nalang dito habang hinihintay siya na bumalik. 

tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo ko at na patingin sa buong paligid, walang masiyadong mga gamit dito sa loob ng opisina niya pero maayos ang pagkaka-arrange ng mga gamit na nandito. May bookshelf din siya sa kaliwa na puno ng mga libro at sa kabilang bookshelf naman ay mga makakapal na mga folder at documents ang nakalagay. 

may iilan din na picture frame ang nakita ko na nakalagay sa gilid kaya na pabaling doon ang atensyon ko, naglakad ako palapit doon habang nakalagay sa likod ko ang mga kamay ko. Ng makalapit ako ay isang company picture frame ang nakita ko. 

parang ito yung unang beses na nagbukas itong building at nandito din siya sa picture habang kasama ang ilang mga tao na hindi ko naman kilala. Anim silang lahat kasama na ang mukhang secretary niya? bukod sa secretary niya ay may dalawa pang lalake na nakatabi sa kanan niya, samantalang dalawang babae naman ang nasa kaliwa niya at nakakapit pa sa braso niya yung isang babae. 

sobrang laki ng mga ngiti nila sa picture at kitang-kita ko din sa mga mata ni draven na sobrang saya niya pati na yung ibang mga kasama niya, na pabaling naman ako sa isa pang picture frame na nasa kaliwa ko.

sa picture frame naman na ito ay nasa isang venue sila, outdoor venue at makikita din sa likod nila ang malaking farm ng mga animals, nakasakay silang lima sa kaniya-kaniya nilang mga kabayo at na kasuot pa sila ng black cowboy hat. Ang kay draven ang may pinakamagandang kabayo.

Ang dalawang lalake na kasama niya ay nasa kanan at kaliwa sa harap niya, samantalang ang dalawang babae naman ay nasa kanan at kaliwa sa tabi niya, samantalang siya ay nasa pinakagitna na para bang siya ang hari at nakabantay sa kaniya ang mga  kawal niya. Sobrang laki pa ng ngiti sa mukha ni draven habang nakatingin pa sa camera.

ng mapabaling ako sa isa pang picture frame ay na pansin ko na naging tatlo nalang sila. Nawala yung isang babae na morena na hanggang leeg ang ikli ng buhok, yung isa naman ay lalake na kasingtangkad lang ni draven pero mapapansin ang pagakakaiba ng style nila sa pananamit. 

bigla nawala ang malaking ngiti na sa mukha ni draven at ng tinignan ko ang panghuling picture frame ay nakita at na pansin ko na nawala na yung mga kasama niya sa unang picture, bawat picture na nakikita ko ay nababawasan at nawawala ang mga kasama niya, nawala na din ang malaking ngiti sa mukha niya. 

bigla ako na patigil ng marinig at maramdaman ko ang pagbukas ng pinto mula sa likod ko kaya na palingon ako at nakita ko na may pumasok na isang babae dito sa loob kaya na palayo ako mula doon.

"uh what are you doing here at mr. hudson office?" medyo mataray nitong sa akin habang nakataas pa ang isang kilay niya habang may ilinalapag na isang document sa ibabaw ng desk table ni draven. 

"I--I'm waiting for someone" maikli kong sagot dahil kung sasabihin ko na si draven ang hinihintay ko ay baka kung ano pa ang isipin niya. 

"in mr. hudson's office?" tanong nito at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa, kitang-kita ko ang mapanglait niyang tingin sa akin. "If you're waiting for someone then you can wait outside of this office. Only executive employee's are allowed to enter in mr. hudson office and--- who let you in? You're not allowed to be here" Dugtong nito at isang mapanglait na tingin ang nakikita ko ngayon sa mukha niya.

Hindi nalang nagsalita pa dahil kung papatulan ko pa siya ay baka kung ano pa ang mangyari. Hindi naman na bago sakin ang mga ganitong ugali ng mga employees dahil madami na akong nai-encounter na ganito.

"Sapphira"

Na palingon kami ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko na naglalad papasok dito si shaira, naglakad siya palapit sa akin at na patingin pa siya sa isa na kasama ko.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now